Chapter 17: The Warden of Demon Temple

5.2K 222 32
                                    

Date Published: October 5, 2016

============================================================

[A/N: side story po to ni Spencer at dito natin malalaman kung bakit binigay niya ang title na DarkLord sa ating bida]

Spencer POV

Yow mga bata siguro kilala niyo na ako dahil sa mga nagdaang chapter pero ito akong muli na magpapakilala sa inyo. Ako si Spencer pero ang totoo ko talagang pangalan ay Arvin Thaddeus isa ako sa mga tapat na taohan ng the grate demon king o maskilala sa tawag na DarkLord.

Isa akong anghel dati pero sa kasamaang palad eh nakagawa ako ng hindi mabuti kapwa ko anghel gusto niyo bang malaman kung ano ginawa ko? Hahaha simple lang nakapatay ako ng kapwa kong anghel at ang pangalan niya ay Arman isa siya sa tapat na heneral ng Bagel Kingdom sa Celestial Continent at dahil doon ang pinatawan ako ng parusa ng Lider ng Bagel Kingdom na si Augustus Aviation The Great Seraphim.

Kaya yun napatalsik ako sa kaharian at higit sa lahat at ginawa niyang kulay itim ang aking mga pakpak para daw malaman ng ibang anghel na isang makasalanan na anghel ako pero ang totoo ay hindi talaga ako ang nakapatay sa kay Heneral Arman kundi ang anak mismo ni Augustus na si August.

Simula noon ay hindi na ako bumalik sa kaharian na yun at naging isa akong manglalakbay marami na akong na puntahan na kaharian dito sa Celestial Continent at lahat sila ay minamaliit ako at sinasabihang kriminal, makasalanan, at salot daw sa race namin hangang sa makarating ako sa pinakamalaki at pinakamaunlad na kaharian dito sa Celestial Continent at ito ang Sky Kingdom.

Nabigla ako sa ganda ng kaharian na ito at higit sa lahat ay may iba't ibang uri ng anghel dito. Meron kasing iba't ibang uri ang anghel at mapapansin mo to sa kulay ng kanilang pakpak.

Nagpasya akong dito na mamalagi at magsimula ng panibagong buhay. After 5 years ay naging isa ako sa mga tapat na heneral ng mga fallen angel, malaki ang pasasalamat ko sa aking mahal na reyna na si Caliya at nalaman ko na meron pala siyang asawa pero hindi ko pa to nakikita hangang sa isang araw ay merong pinakilala sakin ang mahal na reyna at isa itong napakagandang anghel.

Ang pangalan niya ay Angelica, sa una ay nahihiya akong lapitan siya dahil isa akong fallen angel pero hindi nagtagal ay na hulog na ang loob ko sa kanya dahil sa kabaitan niya at ok lang daw sa kanya na isa akong fallen angel basta ang mahalag daw ay meron akong mabuting puso.

After 1 year ay nagpakasal kami ni Angelica at biniyayaan ng dalawang anak, isang lalake at babae. Masaya kaming bumuo ng pamilya hangang sa isang araw ay dumating ang pinakakatakutan ng lahat ng race sa mundong ito at ito ang pagdating ng mga dragon. Lahat ng dragon ay pawang masasama at malalakas nilusob nila isa't isa ang bawat kaharian ng iba't ibang race dahil dun ay nagkaroon ng malawakang digmaan laban sa mga dragon.

Pinulong kami ng mahal na reyna at dun ko nakilala ang asawa niyang si Maou ang hari ng mga Demon. Ang sabi daw si Maou ang pinaka mabuting hari ng mga demon at guto niya daw na magkabati bati ang lahat ng race.

Na pagplanohan namin na sugurin ang kaharian ng mga dragon at patayin ang Lider nitong si Death Wing ang tinaguriang Dragon Emperor pero sabi nila ay uunahin muna namin ang mga lugar na sinakop ng mga draconian para palayain ang mga bihag nito.

Tumagal ng 50 years ang pakikidigma namin laban sa mga dragon at loob ng taong yun ay marami na ang napalaya naming mga bihag. Isang araw ay tinawag ako ng mahal na reyna dahil gusto daw akong makausap ng kanyang asawa na si Maou, pinapunta niya ako sa Continente ng mga demonyo at ito ang Hellsia Continent.

Pagdating ko sa kaharian ni Maou ay agad akong pumunta sa kanyang palasyo, lahat na demon na nadadaanan ko ay pinagtitinginan ako pero di ko lang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad nang makarating ako sa palasyo ay agad akong sinalubong ni Maou, matagal kaming nag usapa hangang meron siya binigay saking isang itim na kwentas at ang istura nito ay parang cross na may mga pulang crystal. Sa una ay natatakot akong hawakan to dahil may nararamdaman akong malakas ng kapangyarihan galing sa bagay na to pero di ako makatiis kaya hinawakan ko at bigla na lang may kung anong kulay asul na apoy ang lumabas dito at mabilis na binalot ako nito at ilang saglit lang ay nagiba ang istura ng damit ko at ng aking ispada at nagkaroon din ako ng sungay.

At mula noon ay lumakas ako lalo kaya napagpasyahan ko maging tapat na alagad ng DarkLord hangang sa araw na pinakahihinatay namin at ito ang paglusog sa kaharian ng Dragon Emperor.

Nahirapan kami sa pagpatay sa mga dragon na ito dahil pawang malalakas at makukunat sila pero nagawa pa rin naming makalusot dito hangang sa makarating kami sa palasyo.

Mas lalo kaming nahirapan dahil nandun nakabantay ang limang ma alamat na dragon pero natalo sila ng walang kahirap hirap nina Caliya at Maou pagkatapos nun ay dumiretso na kami sa throne room.

Pagdating namin dun ay may tumawang malakas at ito na pala ang Dragon Emperor na sin Death Wing, sinabihan kami ng dalawa na sila na daw ang makikipaglaban kay Death Wing.

Mahigit 50 days sila na nakikipaglaban sa Dragon Emperor at sa huling araw ng pakikilaban nila ay sa wakas na patay nila ang Dragon na si Death Wing pero may napansin akong kakaiba sa mag-asawang Caliya at Maou pati ang aking asawa na si Angelica ay napansin din ito.

Makalipas ng maraming taon ay namuhay ng mapayapa ang mundo ng Rufflesia hangang sa isang araw ay pinatawag kami ni Angelica sa palasyo at dun kami sinabihan nina Caliya at Maou na magkakaroon na naman ng malawakang digmaan laban sa mg dragon dahil after 5000 years ay muling mabubuhay ang The Great Dragon Emperor.

Marami pa ang pinagusapan namin at isa na dun ang pagpapatayo ng dalawang templo sa kahirang ng Angelic at Nazarth Kingdom sa Krillia Continent at sinabi nila kami daw ang magiging warden ng dalawang templo.

Ang aking asawa ang naging warden Temple of Angel at ako naman ang naging warden ng Demon Temple. Meron pa silang inutos sa amin at ito ang hanapin ang karapatdapat na tagapagmana ng kanilang kapangyarihan. Iniwan ni Caliya ang kanyang Celestial Armaments sa aking asawa kasama na dun ang kapangyarihan niya at nakalagay ito sa isang bilog na kulay puti.

Iniwan din sakin ni Maou ang kanyang Demonic Armaments at ganon din ang kapangyarihan niya bilang DarkLord at nakalagay ito sa isang itim na libro.

Di namin alam kung pano namin hahanapin ang mga tagapagmana kaya bago sila namatay ay binigyan nila kami ng hint kung pano malalaman kung siya talaga ang tagapagmana.

Sabi nila ay ang mga tagapagmana daw nila ay kaparehas nila ng ugali at higit sa lahat ay kamuka daw nila ito. Mahigit 75 years kaming naghanap pero di pa namin sila nahahanap.

Hangang nagbago ang mundo namin dahil sa pagdating ng mga nilalang na tinatawag na Adventurer sila ang mga taong mula sa ibang mundo.

Nung una kala namin ay dumating sila para wasakin ang mundo namin pero nagkamali kami dahil sa kanila naging masmapayapa ang mundo namin. Hangang sa isang araw ay habang bumibili ako ng gamit sa blacksmith na si Garion ay merong isang binata ang pumasok dahil bibili daw siya ng weapons at armor. Kaya napatingin ako dito at laking gulat ko dahil kamukang kamuka niya si Maou kaya di ako nagkami na siya na ang matagal kong hinahanap, nilapitan ko ito at kinausap, pati ang boses niya ay kaparehas din ni Maou kaya napagdisiyunan kong ibagay na sa kanya ang Demonic Armaments ni Maou at mukang natuwa siya dahil lahat ito ay malalakas pero meron pa akong binigay sa kanya na hindi niya alam at ito ang bagay na pasecretong pinatago sakin ni Maou at sa susunod ko na to sasabihin sa inyo.

Pagkatapos namin magusap ay bumalik na ako sa Demon Temple para magbigay galang sa rebulto ng mahal na hari na si Maou......


Itutuloy......

============================================================

Sana nagustuhan niyo guys hahaha XD.

Vote and Comment lang kayo guys para lalong sipagan ni author ang pagsusulat.

Next Chapter: The Return Of The DarkLord

@CoolKidz11

©All Right Reserved 2016

Dragon World Online: Rise Of The Dragon GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon