Chapter 11

17.5K 627 143
                                    




"Hello Boracay!" sigaw ni Louise pagkababa namin ng eroplano.

"Wala pa tayo sa Boracay wag kang excited." sabi ko sa kanya. Napa-pout lang sya nung natawa ang mga kasamahan namin. Except syempre sa dalawang cold. Si Ate Kill at si Japan.

Kasama si Ate Kill kahit na sobrang brokenhearted sya. Napilitin sya ng mga seniors na sumama samin dahil puro na lang sya gym na nagpapakapagod sa paglalaro ng basketball. Doon na sya halos tumira sa gym ng boys. Hindi nga iyon magamit ng boys simula nung naghiwalay sila Ate Kill at Ate Avey dahil nandoon si Ate Kill at ayaw nya ng istorbo.

Wala naman kaming magawa kundi hayaan sya. Sobra syang nasaktan sa nangyari. Kahit ako masasaktan kapag nangyari 'yon sakin. Yung kasal na lang ang kulang tapos maghihiwalay pa. Saklap non.

"Kill ayos ka lang?" napatingin ako kay Ate Noimi habang kausap si Ate Kill na nakatingin sa hindi ko alam kung saan.

"No." ang honest nya lang. "Lalo ninyo lang ako sinasaktan sa pagsama ninyo sakin dito." natahimik ang lahat ng seniors at kami na rin mga rookies.

"Bear naman. Gumising ka nga, sinama ka namin dito para maaliw aliw ka naman. Hindi puro nasa gym ka lang." sabi ni Ate Shiela na tila iiyak na. Nasasaktan din siguro sya dahil nagkakaganyan ang bestfriend nya.

"Sana nga. Gumising ako at panaginip lang ang lahat." moment of silence again.

Naaawa na ako kay Ate Kill. Kita sa mukha nya na sobra syang nasasaktan. Sana. Sana maging okay na ulit sya katulad ng dati.

"Tara na." pabasag katahimikan ni Ate Abby. Sumunod na kami sa kanya palabas ng airport.

Tahimik ang lahat hanggang sa makarating kami sa resort. Halos mabingi ako sa sobrang tahimik nila. Hindi sila ganyan lalo na ang mga rookies, maiingay sila pero ngayon para kaming nasa library na bawal mag-ingay.

Binigay samin ni Ate Joey ang susi ng kwarto namin. Ganon pa rin ang settings ng magka-roommate. Kung sino ang roommate sa camp ay ayon pa rin dito sa resort, so si Japan pa rin ang ka-roommate ko.

Sabay-sabay kaming pumunta sa mga kwarto namin.

"Kill saan ka pupunta?" napatigil ako sa paglalakad at tumingin kanila Ate Shiela.

"Sa kwarto ni Avey." sagot ni Ate Kill habang patuloy sa pag-akyat sa taas.

"Kita mo 'to, sya 'tong sinasaktan ang sarili nya sa ginagawa nya eh." nag-aalalang sabi ni Ate Rachel.

"Hayaan mo na." malungkot na sabi ni Ate Shiela.

Napabuntong hininga ako. Naglakad na ako papunta sa kwarto namin ni Japan.

Saktong pagbukas ko ng pinto ay hinubad ni Japan ang damit nya. Napatingin agad ako sa katawan nya.

"Flat chested ka?" tanong ko bigla. Napatingin sya sakin.

"Damn! Close the door!" nagulat ako sa sigaw nya kaya mabilis kong sinarado ang pinto. Nakakagulat naman kasi sya. Makasigaw wagas.

"Sorry." nag-peace sign ako sa kanya pero inirapan nya lang ako. Sumimangot ako at napatingin ulit sa katawan nya.

Inaasahan ko na may abs sya pero flat tummy lang tapos...

"Flat chested ka pala talaga Japan?" tanong ko ulit. Hindi nya ako sinagot kaya napasimangot ulit ako.

Nakasuot kasi sya ng sports bra tsaka may sinabi sakin si Jayden na isang buwan lang nakakaraan bago kami pumasok ng camp nung magpagupit panlalaki si Japan dahil sa dare ni Torey. Babaeng babae raw si Japan at hanggang bewang ang buhok. Napagtripan nilang magpagupit ng buhok dahil may nakita silang gwapong tomboy kaya ayun, gusto nilang maging gwapo. Sa totoo lang daw, si Torey at si Jayden lang ang gusto non kaso dahil magkakaibigan sila, hinamon nila si Japan na kapag hindi nya naubos ang luto ni Jayden na hindi masarap, magpapagupit din sya ng panlalaki at magbibihis lalaki hanggang sa humaba ang buhok nila at maging babae ulit.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon