Chapter 19 ♬ Capable Of Love Again?

64.8K 1.2K 104
                                    

CHAPTER 19 - CAPABLE OF LOVE AGAIN?

SERENE


Kinabukasan, exempted kaming lahat sa klase dahil sa band practice.

"Babes, dali practice na tayo!" Hinila ako ni Rico papunta roon sa tabi ni Niel. Inabot niya sa akin ang isang mikropono upang makapagsimula na kami sa gagawin. Huwebes ngayon, ang natitirang araw upang makapagpraktis sa Battle of the Bands na mangyayari bukas. Lahat ay sabik. Lahat ay hindi na mapakali. Alam kong magagawi namin ito at gagawin talaga namin ang lahat ng makakaya namin upang manalo.

"Paano ba 'yan? Magsimula na tayo!" Sinimulan na ni Shane ang pagda-drum.Ngunit bago pa iyon ay nakita ko ang ngiti sa akin ni Niel na bumabati. "Welcome sa bago naming girl vocalist."

"Kanina mo pa sinasabi 'yan." Sabi ko. Tumawa lamang siya. Hindi ko maiwasang mapailing dahil kanina pa sila welcome ng welcome sa akin at kung makapag-welcome pa akala mo ngayon lang kami lahat nagkita at nagkakilala.

Inilibot ko ang tingin sa paligid at nagtama ang paningin namin ni Jace. Agad ko itong iniwas at tumingin na lamang kay Niel. Dahil bukas na ang Battle of the Bands, nagkaroon kami ng exception ngayong araw na ito upang huwag pumasok sa klase namin. Kaya magmula pa nitong umaga ay nandito na kami sa loob ng band studio. Hinahanda na namin ang lahat ng kailangan bukas upang wala nang magiging problema.

"Serene pwede mo bang iabot sa akin 'yang pick sa baba?" sabi ni Niel na hindi ko agad napansin dahil sa lalim ng iniisip ko.

"A-ah? Ano 'yun?"

Ngumiti lamang siya sa akin na may kasamang konting iling. "Ako na nga." Kinuha niya ang sinasabi niya malapit sa may paanan ko. "Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik."

"Kinakabahan lang para bukas." Matipid kong ngiti sa kanya.

"Don't be. Sa talentong tulad ng iyo, dapat ipinagmamalaki mo. Kapag mahihiya ka lang palagi walang mangyayari." Pabiro pa niyang pinisil ang pisngi ko na siya namang nagpagising ng diwa ko.

"Niel!" pabiro kong tinampal palayo ang kamay niya. Diniinan ba naman niya? Halatang nanggigigil. Tumawa lamang siya at nakita ko na lamang ang sarili na nakikitawa kasama niya.

Sandaling nalingat muli ang tingin ko kay Jace at nakita na nakatuon na na naman ang mga tingin niya sa malayo, doon sa may bintana, sa tabi ng inuupuan niya kung saan siya palaging nakadungaw.

Magmula pa kanina ay hindi ko na siya pinapansin. Magmula noong mangyari ang kumprontasyon niya sa akin kahapon ay hindi ko mapigilan ang sarili na umiwas. Masyado nang dumarami ang mga katanungan niya sa akin. Ayoko ng gano'n. Hindi ako kumportable.

"Okay guys, let's start!" Sigaw ni Niel para makuha ang atensyon naming lahat. Noong una naiilang pa rin akong kumanta sa harapan nila. Pero dahil sa mga ngiting pinapakita nila sa akin, naging komportable na rin ako sa wakas.

Ang saya. Ang sayang bumalik sa mundo ng musika. Kahit sa pagkanta lang, ayos na ako. Nakakagaan ng loob na nakakakanta na rin ako sa harap ng lahat. Nakangiti akong kumakanta habang tumitingin sa kanila. Tulad ko ay abot tenga na rin ang mga ngiti nila. Halatang hyper na hyper sila at napaka-energetic sa tuwing tinutugtog nila ang mga instrumento. Ngayon ko lang sila nakitang tumugtog ng ganito, parang hindi nauubusan ng lakas kahit napakahaba na ng oras ang ginugol namin sa kanina pang kaka-practice. Dahil sa 'yun ang nakikita ko sa paligid, nahawa na rin tuloy ako. Ramdam mo ang magaan at masayang hangin sa paligid. Napakasaya talaga.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon