CHP19: Third Wheel

1.3K 41 7
                                    

“In every relationship there’s always a third wheel.”

--
/DASURI/

Matapos ang naging usapan namin ni Ji, nag-iwan sya sa’kin ng isang palaisipan. Hanggang ngayon hindi ko parin maisip kung ano ba ang ibig nyang sabihin sa sa mga salitang binitawan nya?

“Oo nga, kaso…paano pala natin gagawin ‘yon?” ngayon ko lang narealized, hindi pala ‘yon ganon kadali. Hehe.

Huminto naman sa pagiging kikinsot si Chunji at bigla kong hinarap nang seryoso. Naglean pa sya sa’kin at saka bumulong, “Hindi mo na kailangan ng plano. Ikaw lang…..sapat na.”

“Eh?”

“Anong ako lang sapat na? Arrgh, nakakaloko naman ‘yung sinabi nya. Ang dami kayang meaning.” Saad ko pa habang umiiling-iling.

Lumabas ako sa kwarto namin ni Kai at sumilip sa labas. Madilim na pero hanggang ngayon wala parin ang asawa ko. Tumawag ako kay Jin unnie gamit ang telepono namin pero maski sya hindi masabi kung anong oras makakauwi si Kai. Nakakapagtaka nga e, para kasing aligaga sya nang kausapin ko. Hindi naman sya dating ganon. Hmmm.

Binuksan ko na lang ‘yung tv atsaka naupo sa sala. Naghanap ako ng pwedeng panoorin. “Ano ba ‘yan. Inaantok na ko. Tagal naman kasi ni hubby.” Bulalas ko pa.

Hindi naman nagtagal, nararamdaman ko na ang unti-unting pagbigat ng magkabilang pilik-mata ko. Kahit kasi wala kaming klase ngayon, napagod pa rin ako dahil sa naging byahe namin pabalik ng Seoul. Makalipas ang ilang minuto, hindi ko na nakayanan at tuluyan nang napapikit.

Mahimbing akong natutulog sa ibabaw ng aking kama. Nakapatay ang ilaw at tanging sinag mula sa buwan sa labas ng aking bintana ang nagiging linawag sa buo kong silid. Tahimik sa paligid, wala kahit kaunting ingay ang maririnig.

Hinigit ko ang unan sa aking tabi at niyapos ito nang mahigpit. Patuloy sa aking pagidlip, nakaramdam ako nang kakaibang bagay mula sa ilalim ng aking kumot na puti. Sinubukan kong isawalang-bahala iyon pero hindi talaga ko mapalagay. Iminulat ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang bagay na iyon.

Natuon naman ang aking paningin sa mga bakas sa gilid ko na nagmamarka sa kumot. Para bang may kung anong bagay ang gumagalaw mula rito. Nakaramdam ako nang pagkaba. Lalo na nang mapansin kong wala sa tabi ko ang aking asawa. Tuluyan nang nagising ang aking diwa. Kasabay nang mabilis na tibok ng aking puso. Nag-ipon ako ng lakas ng loob at dahan-dahang tinatanggal ang nakatakip na kumot sa aking katawan.

Nagimbal ang buo kong pagkatao nang may makita kong ahas na nasa mismong tabi ko. Sinubukan kong sumigaw at tumakas pero para kong napako sa aking pagkakahiga. Tanging pagtitig lang ang naibigay ko habang dahan-dahang gumagapang ang ahas sa aking braso. Nililingkis nya iyon habang ang kanyang ulo ay papalapit ng papalapit sa aking mukha. Gusto kong humingi ng tulong! Tawagin ang pangalan ng aking asawa! Pero tanging pag-ungol lang habang tumutulo ang luha sa aking mga mata ang aking nagawa.

“Kai! Nasa’an ka ba?! T-Tulungan mo naman ako o, p-please….”

“Dasuri, Wifey?! Wake up!” Pagmulat ng aking mata. Bumungad sa’kin ang mukha ng aking asawa. Nakatitig ito sa’kin habang sinusubukan nya kong gisingin. I feel relieved nang makita ito. Niyakap ko sya nang mahigpit. Sobra kong natakot sa napanaginipan ko. Pinagpawisan ako kahit malamig naman dito sa sala.

“Okay ka lang?” nag-aalala nitong tanong habang nasa tapat ko. Tumango-tango naman ako kahit may bakas pa ng luha sa aking mga mata. Ano ba kasi ‘yon. Bakit bigla na lang ako nanaginip ng nakakatakot.

“Are you sure? Para kasing ang sama nang napanaginipan mo. Kanina pa nga kita ginigising pero tanging pag-ungol lang ‘yung ginagawa mo.” nag-aalala nitong pahayag. Huminga naman ako nang malalim bago sya harapin. Bahagya akong dumistanya mula sa pagkakayakap sa kanya.

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon