MALDITA 1

1.7M 43.1K 17.1K
                                    

MALDITA 1

Gucci? Prada? Chanel? Hermes? Louis Vuitton? Urgh, I can't decide what bag I am going to use for today's shopping galore! Ang hirap din palang maging mayaman. Lahat kasi maganda...parang ako lang.

I sigh in frustration when I close my walk-in closet. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Chinky fierce eyes, pointed nose and small lips...perfect for my heart shaped face. I comb my long black curly hair naipina-curl ko pa sa stylist ko para bumagay sa suot kong simple silk rose dress from Forever21. I smiled while looking at my reflection.

"Ang ganda ko talaga."

A knock outside my door stopped me from adoring myself.

"Come in." I said frowning.

"Ms. Avah...pinatawag nyo daw po ako?" The maid said.

Tinignan ko sya at inirapan bago ko binuksan ang walk-in closet ko at inilabas ang mga bag na pinagpipilian ko kanina saka ko inilagay sa isang mahabang upuan.

"Pick one." Bored na utos ko.

"Po?" Sagot nya. Nabingi ata.

"Hindi ka nakakaintindi ng English? Pumili ka ng isa."

Sinunod naman nya at tinignan ang mga bags. Hahawakan nya sana ang Chanel white sling bag pero pinigilan ko sya.

"Huwag mong hawakan, baka madumihan!" Sita ko sa kanya at mabilis nyang binawi ang kamay nya at nanginginig na itinuro ang napili nya.

Kinuha ko 'yon at iminodel sa harapan ng salamin. Perfect sa outfit ko, bumagay din sa Dolce & Gabana black pumps na suot ko. May taste din pala 'tong hampaslupang 'to.

"Now, leave." Utos ko na mabilis nyang sinunod. As if she has a choice. Nag-last look pa ako sa sarili ko bago tuluyang lumabas.

-

"Saan ka na naman pupunta?" Salubong sa akin ni Witch; ang atribidang mayordoma pagkababa ko ng hagdan.

"Kung saan ka galing." Sagot ko at napakunot ang noo nya. Hindi nya ata naintindihan kaya ipinaliwanag ko sa kanya.

"Sa impyerno...sama ka?" Sagot ko at nilagpasan sya. Narinig ko pa syang nagsabi ng 'walang modo.' Pakialam ko naman sa kanya?

Palabas pa lang ako ng bahay noong salubungin ako ng driver ko na si Manong Sic.

"Saan po tayo Ms. Avah?" Tanong nya.

"Tinawag ba kita? Did I ask for your service?" Mataray kong tanong at napailing sya. Mabilis syang nag-sorry at umalis sa harapan ko.

No choice but to use my mini cooper car. Napa-ismid na lang ako habang tinitignan ang isa pang sasakyan na naka-park lang sa may garahe at hindi nagagamit. Anong silbi ng BMW kung wala namang susi? Napailing na lang ako at saka umalis.

-

Taas noo akong naglakad papasok sa loob ng mall. Masyado akong maganda para yumuko. As always, ang dami na namang nakatingin sa akin. Grabe, daig ko pa ang artista. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Nakaka-awa naman pala sila, buti na lang pala at naisipan kong mag-mall ngayon.

Ilang boutique na din ang napasok ko at napailing na lang ako noong makita na karamihan doon ay sale. Wrong timing ata ang pag-sho-shopping ko, I hate shopping when everything is on sale! Nakakababa ng pagkatao ko, I wouldn't buy or use anything that's on sale. That's a fact!

Only three boutiques are not on sale kaya naman doon ako bumili.

Noong mapagod akong mag-shopping, I decided to go to the nearest coffee shop to get some drink. Today is Sunday kaya naman ang daming tao, mostly teenagers na tinambayan lang ang store, first time ata. How pathetic. Masakit sa mata ang mga ganoong eksena kaya naman binilisan ko ang pag-order at pina-to go ko na lang. Hapon na din at kailangan ko ng umuwi.

Naglalakad na ako palabas ng mall bitbit ang ilang shopping bags at kape nang biglang may babaeng sumigaw sa harapan ko.

"Oh my God my dress!"

Nabangga ko pala sya.

"Bulag ka ba? Hindi mo ba nakita na may tao? Tignan mo ang ginawa mo sa damit ko!" Naghe-hysterical na sabi pa nya.

Nakatingin lang saamin ang lalaking kasama nya, boyfriend nya ata. Hindi ko alam kung i-co-congratulate ko 'yong babae dahil may pumatol sa kanya o papalakpakan ko at bibigyan ng award 'yong lalaki dahil sa pagiging dakila at pagpapatunay na 'love is blind'?

Tinignan ko naman ang damit nya...may mantsa. Tama sya, natapunan ko nga sya ng kape at may konti din tapon sa kamay ko. Sayang naman 'yong kape ko.

Tinignan ko sya mula ulo mukhang paa.

"So sa tingin mo tao ka?" Balewalang tanong ko at inirapan sya. I am about to leave when the girl grabbed my arm.

"Anong sabi mo? Ang kapal ng mukha mo ah!" Sigaw nya.

"Get your filthy hands off of me." I said through gritted teeth and glare at her. Agad naman nyang binitawan. Kinuha ko ang hand sanitizer sa bag ko saka ko pinahiran ang na-infect kong braso.

"Miss mag-sorry ka na lang sa kanya. Tignan mo nadumihan mo ang damit nya." Biglang sabi noong lalaki. Nagpapaka-hero ata.

Napatingin ako sa paligid at dumadami na ang mga usisero kaya naman napangiti ako. How I love attention!

"Ohh, look what we got here, a knight in shining armor ready to save his damsel in distress. How romantic. Ngayon ko lang nalaman na pwede na palang papasukin sa mall ang hipon at shokoy." Umarte pa akong na-shock.

Nakakatawa ang mga itsura nila, their jaw dropped!

"Napakayabang mo naman, sino ka ba sa akala mo? Simpleng sorry lang hindi mo pa magawa. Ikaw na nga 'tong nakabunggo ikaw pa 'tong may ganang magalit!" Sigaw noong babae.

"Kasalanan ko bang tanga ka at hindi ka tumabi noong nakita mong mabubunggo na kita? At ako magso-sorry? Dapat ka pa ngang magpasalamat saakin." I said in disbelief.

"At bakit?" Pasigaw na tanong nya na halatang isang pitik ko na lang iiyak na.

"You should thank me for talking to you. My time is precious but I'm wasting it now just for the sake of your cheap dress and nonsense rants. Thank me for treating your dress a cup of coffee. Your dress is lucky, nakatikim sya ng mamahaling kape. You should say sorry too, the price of my coffee is higher than the price of your dress. But that's ok, hindi na kita sisingilin...baka ikahirap mo pa."

And for my final wave.

"Oh."

Iniabot ko sa kanya ang bawas na kape. Tumingin sya sa hawak ko nang nagtataka at nag-aalangan pa syang kung kukunin nya.

"Nangangalay na 'ko. Kukunin mo ba o ibubuhos ko nang tuluyan sa'yo?" Tanong ko sa kanya. Natakot ata at bigla nyang kinuha. Dapat lang, matakot sya.

"Anong gagawin ko dito?"

Ngumiti ako sa kanya. Ngiti na hindi nya na gugustuhing pang makita.

"Mukha kasing 3-in-1 coffee lang sa tindahan ang kaya mong bilhin. Dahil mabait ako, ayan sa'yo na 'yan. Para naman makatikim ka ng mamahaling kape. Oh? Aarte pa?"

Mataray kong tanong sa kanya at inirapan ko silang dalawa. Tuluyan na akong lumabas sa Mall na may ngiti sa mga labi ko.

Avah Chen is my name and hating is my game. Loved by no one, hated by everyone. Half-Chinese. Pure-Maldita.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon