36: The Hunt

20.4K 729 4
                                    

Nakatingin ako sa labas ng bintana habang sakay sa kotse ni Titus. Nakikita ko ang pile ng mga bangkay ng Turned vampires na sinusunog ng mga tauhan nina Matteo dito sa border sa south.

"May nahuli nanaman pala sila kagabi," komento ko.

"Yes," maikling sagot ng katabi ko.

Nagpahinga kami sa mansion ng mga Brigham kagabi pagkatapos ng mahabang pagpatrolya. Pati sina Nadine at Titus ay doon natulog dahil gusto nila akong samahan. Ayaw ko na kasing bumalik sa Bloodworth mansion. Nandoon sina Magnus, Yadira at Orpheus Gerhardt.

"They're chasing more," sabi ng katabi ko kaya napatingin ako sa mga aninong naghahabulan. Halos hindi ko na masundan ang mga galaw nila dahil sa bilis nila habang patalun-talon sa ibabaw ng mga puno.

"And more will be killed," naiiling kong komento.

"It's either we kill or get killed, Nichola."

Napatango na lang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Isa na ako sa kanila ngayon. In order to survive, we had to eliminate the threat.

"Are the Turned killing Purebloods without any reason?"

"Unfortunately. Kung hindi sila nanggugulo, hindi rin naman namin sila guguluhin. They could live peacefully outside Hellville. We don't really care. Pero pumapasok sila dito. They've killed a lot even before you arrived."

"Pero sabi ng Dad mo..."

"My Dad can be a jerk sometimes. Why do you think I'm a jerk? Imposible namang kay Mom ako nagmana."

Gusto kong matawa sa seryoso niyang mukha. Para kasi siyang nagsasabi ng isang scientific or historical fact.

Pero kahit na. Ang dami ko pa ring nagawang kasalanan sa mga taga-rito.

Kung sana ay pwede kaming manirahan nang mapayapa kasama ang isa't isa. Turned, Pureblood, witches, vampire-witch.

How wonderful would that be?

Ilang minuto pa kaming paikot-ikot nang bigla na lamang may natumbang  malaking puno sa daraanan namin kaya agad na nakapag-brake si Titus.

"What the fuck! Stay here," malutong niyang mura saka padabog na bumaba.

I looked around but I didn't see anything suspicious. Bababa na sana ako nang bumalik naman ang kasama ko.

"Sinadya ang pagputol sa puno," aniya habang sa labas pa rin nakatingin. "Keep sharp. They're watching us," aniya saka itinaas ang kanang kamay. Tila may tinabig lang siya sa hangin at marahas na lumipad na ang puno papunta sa tabi.

Watching us? Who? "S-Sina Alistair?"

"Yes. I'm thinking Montgomery must be here also."

Napalunok ako. "Why do you think so?"

Kinabahan ako agad. Hindi pa ako malakas para makaharap s'ya.

"I could smell her outside the car," kampanteng sagot niya nang muli nang tumatakbo ang kotse.

Napahawak ako sa braso n'ya kaya sinulyapan n'ya ako. I knew that my fear was showing on my face kaya binitawan ng kanang kamay niya ang manibela. He took my hand and held it tightly.

"Don't worry. I'm here. I will protect you. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo at sa mga kapatid mo. Remember that," aniya habang marahang pinipisil ang kamay ko kaya nakaramdam ako ng relief.

"Salamat, Titus," sabi ko saka ko mas hinigpitan ang kapit sa kamay n'ya.

"Anything for you, Nichola. Anything."

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon