Chapter 69

979K 43.8K 42.6K
                                    

Date

Jay-jay's POV

Sabi ko kakain lang. Wala akong sinabi na mamasyal sa pesteng Amusement Park!

Hindi ko alam kung sinong impakto ang sumapi kay David at dinala nya kami ni Ci-N dito. Eto namang isa, tuwang tuwa.

"Ayoko na!" Sabi ko habang nakikipag-hatakan kay Ci-N.

"Isang rides pa!" Sabi nya at pilit akong hinatak papunta sa roller coaster.

"Ayoko na talaga Ci! Hindi na kaya ng katawan ko!" Sabi ko na may halong pagmamaka-awa.

Binitiwan ako ni Ci-N at napakamot nalang sa ulo nya. "Ang hina mo naman."

Putrages! Mahina pa ko sa lagay na to? Pang-anim na rides na ata tong gusto nyang sakyan namin. Partida! Makabaliktad sikmura pa yung mga sinasakyan namin ah!

"Ikaw nalang muna yung sumakay. Babantayan ko muna si Jay-jay." Sabi ni David.

Tumango ang Ci-N at nakipila sa rides na gusto nya. Naupo muna ko sa isang bench. Pakiramdam ko nabugbog ang katawan ko.

"Gusto mo ng tubig?" Alok nya sakin ng hawak nyang bottled water.

Umiling ako. Hindi tubig ang kailangan ko.

Buti nalang pumayag si Ci na mag-rides mag-isa. Kailangan ko na talagang kausapin tong is David.

"David.." tawag ko sa kanya. "..panu kapag nabuntis mo yung girlfriend mo?"

"Edi papanagutan ko. Magpapakasal kami kung gusto nya." Mabilis nyang sagot sakin.

Buti pa sya ganun yung pag-iisip.

"...bakit mo natanung?" Dagdag nya.

"Si Denzel kasi..."

"Ayaw pa rin nyang panagutan si Grace?" Tanung nya na kinabigla ko.

Alam nya?

"Alam mo na rin yun?"

Tumango sya at naupo sa tabi ko. "Narinig ko silang nag-aaway."

"Anung ginawa mo? Kinausap mo sya?"

Umiling si David. "Ayoko syang komprontahin. Hihingi ng tulong si Denzel kung kailangan."

"Pero kawawa naman si Grace. Iyak na nga ng iyak dahil sa ginagawa nya."

"May dahilan si Denzel. Hindi sya ganung klase ng tao. Hindi nya tatakbuhan ang problema."

Napaisip naman ako dun. Tama sya, parang wala sa bokabularyo ng mga ulupong na yun ang tumakbo sa responsibilidad.

"Naaawa na ko kay Grace. Kausapin mo naman si Denzel. Sa gantong sitwasyon, lalaki sa lalaki dapat dahil iba ang point of view naming mga babae sa ganyan."

Bahagyang tumawa si David. "You sound so matured."

Ako? Sound matured?

"Talaga?"

"Yeah. But if you want me to talk to Denzel, i will. Hindi ko nga lang map-promise na magbabago yung isip nya agad."

Okay lang yun. Baka sakaling buksan nya ang isip nya at makisip ng pwedeng gawin.

"Okay lang... Bukas na bukas din dapat maka-usap mo na sya."

"Bukas? Bakit hindi pa ngayon?"

Taka ko syang tinignan. Ngayon talaga? Eh nasa Amusement Park pa kami.

"Anung oras na kaya? Andito pa tayo. Bukas nalang."

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon