Chapter 70

988K 43.7K 32.1K
                                    

Group Date

Jay-jay's POV

"Horror house tayo!" Sigaw ni Ci-N at ng iba.

"Kayo na lang! Ayoko!" Sagot ko sa kanila.

Mga animal! Ang O.A nilang pupunta dito at susundan kami. Tapos parang nagseselos pa silang hindi ko sila inaya.

"KJ! Sasama ka!" Sigaw nila.

Inirapan ko naman sila. Kahit ayoko sa Horror House, wala akong choice. Hindi papayag tong mga to na hindi ako sumama.

"Naniniwala kana?" Bulong sakin ni David.

"O-oo... Ikaw na may instinct." Sagot ko sa kanya at ngumiti.

Ang kailangan na lang naming gawin ay humanap ng tyempo para makausap si Denzel.

Napatingin ako kay Yuri na tahimik lang. Para kasi syang napahiya kanina na hindi namin maintindihan.

Buti na nga lang at nagkasundo-sundo kami na mamasyal na lang ng sama-sama. Feeling naman nila ililibre namin sila.

Manigas! Nagpapalibre lang din kaya ako!

Napatingin naman ako sa malaking Ferris wheel. Medyo malayo pa yun sa pwesto namin pero dahil sa sobrang laki. Kitang kita ko na sa pwesto namin.

"Sakay tayo dun mamaya..." Sabi ko sabay turo sa Ferris Wheel.

"Wag na! Umuwi na tayo pagkagaling sa Horror House!" Sabi ni Keifer.

Tinignan ko sya ng masama. "Umuwi ka kung gusto mo! Basta ako sasakay dyan!"

"Tss."

Yan naman yung mahiwagang 'Tss'. Nakakabusit talaga tong lalaki na to. Kahit kailan ang lakas ng saltik sa utak.

Nakarating kami sa Horror House. Entrance pa lang parang gusto ko na umuwi. Tengene! Alam ko namang tao lang at machinery yung nasa loob nyan. Meron akong ibang kinatatakutan.

+++++++++++++++++++++++++++++

Yuri's POV

Over Acting!

Hindi ko napigilan yung sarili ko kanina. I don't know, but I have this weird feeling in my stomach and I immediately get mad.

Kainis!

Hindi tuloy ako makatingin kay Jay-jay. Nahihiya ako, baka kung anu isipin nya dahil ang O.A ko.

Naka-pila na kami sa entrance ng Horror House. Kailangan daw kasing maghintay ng 10 munites bago magpapasok ng panibagong grupo.

I try to look at Jay-jay. She looks so scared?----No! She looks so bothered. Para bang meron syang iniisip.

Gusto ko sana syang lapitan pero baka kung anu isipin ng mga to.

Sinenyasan kami ng crew ng Horror House na pumasok na. Nakapila pa kami. Nakagitna si Jay saming lahat.

Sa unang hallway palang nagkatakutan na. Biglang na lang sila nagsigawan. Halos mabasag ang eardrum ko.

Itai! (Ouch!)

Sinubukan kong tignan si Jay-jay pero hindi ko sya makita. Until they decided to run because of something.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon