Chapter 76

1M 51.4K 46.8K
                                    

Best President of Section E

Jay-jay's POV

Ayoko sanang pumasok ngayon. Wala akong gana. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko yung ginawa ko. Binabangungot din ako minsan non.

"Jay-jay." Tawag sakin ni Yuri at naupo sa tabi ko.

Inabot ko sa kanya yung kamay ko. Mula kasi ng lumabas ako ng hospital palagi pa rin kumikirot ang kamao ko kaya hindi ko magamit ng maayos yung kamay ko.

Kaya eto si Yuri at minamasahe palagi ang kamay ko. Effective naman, dahil after ng two days na ganyan ang ginagawa nya, nabawasan na yung kirot.

"Bakit ang tamlay mo?" Tanung nya sakin.

13

Pang-13 tanung na nya yan buhat ng makalabas ako sa ospital.

"Kung may bayad lang ang bawat tanung mo, nakabili na kong bagong sapatos." Walang buhay kong sabi.

"Kung hindi ka ganyan, hindi ako mangungulit na magtanung sayo." Sabi nya at sandaling tinigil ang pagmamasahe sa kamay ko. "...Pwede kang magsabi sakin."

Gustohin ko man parang hindi ko kaya magsabi. Malaking bahagi ko ang tumatanggi na magsabi ako sa kanya.

Nagpilit ako ng ngiti.

Pasensya na...

Mabait naman si Yuri, kahit minsan may sapi din parang si Keifer.

Speaking of Keifer, hindi ko pa sya nakikita mula kaninang umaga. Hindi nya rin ako inaaway kagaya dati. Katulad ng iba lagi din syang naka-alalay at hindi pumapayag na umuwi at pumasok ako mag-isa.

Ang weird lang sa pakiramdam.

Sanay kasi akong nagsasagutan kami o kaya nagbabatuhan ng matatalim na tingin.

Nakaka-miss din pala.

"Section E! Hinihingi na ng committee yung pangalan ng mga isasali natin!" Bungad samin ni Kit pagpasok nya ng room.

Ay naku!

Nasayang yung mga panahon na dapat nakapag-handa na kami para sa Festival. Laking perwisyo ng nangyari samin.

"Si Jay-jay at Ci-N sa Mr. Ganda at Ms. Pogi." Sagot ni Eren.

Tsk! Hindi ako pwedeng tumanggi. Ako lang kaya kasi nag-iisang babae dito samin. Ngayon ko naramdaman ang hirap ng kalagayan ko.

"Panu yung sa battle of the band?" Tanung nung iba.

"Hindi ba kayo pwede Yuri?" Tanung ni Rory kay Yuri na busy sa pag-mamasahe sa kamay ko.

Sila Yuri? Sa battle of the band? Tinignan ko sya at hinintay rin ang sasabihin nya.

"Hindi ko pa nakaka-usap si Keifer tungkol dyan." Sagot nya.

Muling nag-usap-usap ang mga luko.

"May banda ba kayo?" Tanung ko sa kanya.

"Meron... Si Keifer ang singer, ako ang lead guitar, si Edrix sa drums, si Rory ang sa base at si Felix piano."

Ay oo... May nakita nga pala akong gitara sa kwarto ni Yuri dati nung nagpunta ako sa kanila.

"..pero hindi na kami nakakatugtog. Nawalan na ng gana si Keifer buhat nung... Kay Ella." Dagdag nya pa.

Sayang naman.

"Sa Dance troops... Sino?" Tanung nila.

Tsk! Isa pa nga pala yun. Meron pang singing contest. Naku naman! Sakit talaga sa ulo tong gustong mangyari ni Freya samin.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon