#13 : Nathan & Xyra

737K 14.8K 889
                                    

~*~

"Ano ba kasing ginawa mo at bakit bigla ka na lang nawawala?"

"Atyaka, Saan ka ba pumunta ha?"

"Rien!" sigaw ni Jade habang inaalog alog ako. I was back to my senses at tinaasan ko ng kilay si Jade. Does she really needs to know? Argh.

"Wala ka na doon, okay? Basta tumakas ako yun lang tapos ang usapan." sabi ko at tumayo na at kinuha ang bag ko. May klase pa ako.

"Gosh Rien! I am so damn worried at ganyan lang ang----" hindi ko na siya pinatapos at lumabas na ng kwarto. She's not my mom to be that worried.

Nakakainis lang. I'm not in the mood to talk to anyone right now. Punyemas! I can't stop thinking about him. Kagabi pa to eh. Hindi nga ako masyadong nakatulog ng dahil sa kanya.

He's murdering my thoughts! This Montereal guy, d*mn him. Akala ko magiiba na ang pagtrato niya sa akin yun pala hindi. Last time we were enemies. Now? Gusto niyang maging strangers kami? He's weird! Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Nakadepress!

Wait. Bakit ko nga ba rin ba pinoproblema ang gusto niyang mangyari? If he wants me to stay out then I will! I COULDN'T CARE LESS EITHER. REMEMBER RIEN, AYAW MO SA KANYA. HE'S AN ARROGANT GANGSTER!

"Xyra!"

"Ay kalabaw ka!" gulat kong sabi. Eh paano bigla na lang may sumulpot sa tabi ko. Parang din tong si Dylan umasta. Parang kabute lang, kahit saan sulpot ng sulpot.

"Nathan, ikaw pala." sabi ko. Medyo naninibago talaga ako pag tinatawag niya akong Xyra. Ewan ko ba. Isa lang kasi ang taong espesyal sa puso ko na tumatawag sa akin niyan.

"Ang lalim ata ng iniisip mo ah?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. Gusto kong makapagisa ngayon pero parang hindi ako hinihintulutan ng tadhana.

"Huh? Ahh.. w-wala to. Sige pasok na ako." sabi ko at nauna ng maglakad. Pero napahinto ako dahil bigla niya akong hinawakan sa braso. Tumingala ako ng konti (matangkad kasi) at tinaasan siya ng kilay.

"Sabay na tayo, tutal we have the same classes naman eh." sabi niya.

"Wag ka ng manggulo sa Black Horizon lalo na sa akin."

"Wag ka ng manggulo sa Black Horizon lalo na sa akin."

"Wag ka ng manggulo sa Black Horizon lalo na sa akin."

Waaah!! Naalala ko nanaman ang sinabi niya sa akin. Bakit ba kailangan ko pang lumayo? Hindi niya ba alam na ang gusto ko ang dapat masunod? Na kahit mas malakas siya ay hindi ko siya uurungan. Pake niya kung gusto kong manghimasok? Buhay ko naman to eh. And I find it interesting and challenging kapag kasama ko ang Black Horizon.

But it don't make sense. Bakit parang desperado ako na hindi lumayo sa kanila? At bakit parang naiinis ako sa pag-iisip na tinataboy niya ako?

Ugh. I hate that devil.

"Hey, Xyra!" sigaw ni Nathan malapit sa tainga ko. Nilayo ko naman ang mukha ko sa mukha niya. Ang lapit naman! Bakit kasi kailangan sumigaw pa sa tainga ko.

"Aray! Masakit ha." sabi ko. Tumawa naman siya at nagsorry sa ginawa niya. Sus.

"Sorry about that. Anyways, ano? Sabay na tayo?" sabi niya.

Tumingin naman ako sa kanya at tumayo. Wala akong pake sa lalakeng yun. Bahala siya sa buhay niya basta ako hindi ko lalayuan ang Black Horizon. Sino ba siya para pagsabihan ako ng ganyan.

"Are you listening to me, Xyra?" sabi ni Nathan at nagpout. Aww, what a cute boy.

"HUH?! Ahm, sorry." sabi ko.

"That's okay." sabi niya.

Nang makapasok kami sa silid ay nakita ko namang nakaupo na sila Tyler and Piercr. Oh right, Tyler is also my seatmate. So no choice right? Alangan naman pilitin kong umupo sa ibang upuan dahil lang sa kanya. Kapal ah.

Umupo na ako sa upuan at sakto naman ang pagdating ng teacher namin. Alam niyo yung ang tahimik namin ngayong dalawa? Dapat nga sa mga oras na to ay nagbabangayan o nagagalit na kami sa isa't isa pero heto oh ang ingay talaga namin. Pramis.

Natapos na lang ang dalawang subject ay wala pa rin kaming imikan. Kaya tumayo na ako at naglakad palabas para kumain ng lunch. Tss, bad mood nanaman ako. Ewan ko ba, naiinis talaga ako! Argh!

"Wait!"

Napahinto naman ako sa paglalakad at tumigin sa likod ko. Nakita ko naman si Nathan na papunta sa akin, hinabol niya pala ako.

"Pwede bang sabay na tayong kumain, Xyra?" tanong niya.

Napakunot naman ang noo ko. Anong trip ng lalakeng to? I mean bakit niya ako yayayain? Uhm. Kahit kapangalan niya yung Nathan ko eh wala lang naman yun sa akin. Kahit Xyra pa ang tawag niya. Hinding hindi ako magkakagusto dito. So what's up with him?

"Anong nakain mo at bigla kang nagyaya?" tanong ko.

Ngumiti lang siya at hinatak na ako papuntabg cafeteria. Bakit ba panay hawak ang mga tao sa akin dito?! Nakakayamot na ah. Atyaka hindi man lang ako sagutin pabalik?

"Aray Nathan! Huy!" sabi ko at pinilit tinatanggal ang kamay niya sa wrist ko. Pinagtitinginan kaming dalawa ng mga tao eh. And I hate it ang atensyon ngayon ay nasa amin. Malamang hinuhusgahan nanaman ako ng mga taong eto lalo na yung mga chismosang at mahaliporot na mga babaeng cheerleaders. Duh, they always hate me. The fact na nasa cheerleading squad rin si Amethyst.

"Here's your blueberry cheesscake, fries, slice of pizza and iced tea ma'am." sabi ni Nathan sa akin sabay lapag ng aking pagkain.

Bigla namang kumintab ang mga mata ko. Siguradong tiba tiba ako sa pagkain ko ngayon. Hihi.

"Thanks, but where's yours?"

"Hati tayo :) "

●︿●

Bigla namang lumaki ang mata ko. ANAK NG? KAMI MAGHAHATI? NO WAY! KAHIT LIBRE NIYA TO, NO WAY!

"Hindi ako papayag! Kung ano ang sa akin ay sa akin! Walang pwedeng makihati." sabi ko sabay lapit ng tray sa akin at parang tinatabunan para hindi siya makakakuha ng pagkain.

"Hahaha, you're cute! Grabe hindi ko alam na ganyan ka sa mga pagkain. Oh sya, bibili lang ako ng pagkain ko." sabi niya at bumili na ng pagkain.

Napatingin naman ako sa nakalibot sa amin dito sa cafeteria. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Ano nanaman ba ang nagawa ko para pagpyestahan nanaman ako ng ganito? Dahil ba sa magkasama kami ni Nathan?

Habang nililibot ko ang lugar ay bigla akong napatigil ng nakita ko ang nagdilim niyang mga mata. Ang mga mata na palagi akong nilulunod sa kawalan. Ang tanging mga mata na nakakapagpatigil ng mundo ko.

The eyes of the devil that always make my heart stop.

Nanlaki naman ang mata ko at umiwas na ng tingin sa kanya. Ano bang pinagsasabi ko? Bakit parang na mesmerize ako sa mga titig niya sa akin? Abd I know this feeling, I hate it. Hindi na pwede ulit mangyari ito. I don't want to bet my heart again. Not this time.

"Xyra, are you okay?"

I was back to my senses when Nathan suddenly talked to me. Ngumiti naman ako at tumango sa kanya. I need to forgot everything na naisip ko kanina. What am I thinking?!

"Kain na nga lang tayo." sabi ko at nilamon na ang lahat ng pagkain ko.

~*~

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon