CHP20: PT

1.6K 47 7
                                    

Dedicated to Miss_RedPhoenix

“Ano nga ba ang dapat mong piliin sa sitwasyong kagaya nito? Yung alam mong tama kahit pa may masaktan at mapabayaan kang iba? O yung makakabuti sa iba pero alam mong mahihirapan ka?” - KAI

--
/DASURI/

Pagbalik ko sa room namin, naupo agad ako sa pwesto ko. Nilingon naman ako ni Sora. “Oh’ okay ka lang? Bakit bigla kang kumaripas ng takbo palabas ng room? Susundan sana kita kaso dumating na si ma’am.”

“Nasaan na si ma’am? Bakit wala sya dito?”

“Lumabas lang saglit may naiwan daw kasi sya sa faculty room. Babalik din agad ‘yon.”

“Ganon ba? Argh. Buti nakaabot ako.” Umupo ko nang maayos sabay ngiti dito. Hindi naman nagtagal dumating na rin sa kwarto si L.joe. Sa pintuan sa harapan sya dumaan dahilan para madaanan ako nito. Hindi nakalagpas sa’kin ang mga tingin nyang hindi ko parin maintindihan. Para bang nababahala sya na ewan.

Hindi ko na lang sya pinansin at naghanda na sa pagdating ni ma’am. Ano ba kasi talaga ang problema nya sa’kin? Naguguluhan na ko sa mga kinikilos nya e.

Matapos ang klase, pinasunod ako ni Ms. Seo sa faculty room. Gusto nya daw nya kong kausapin tungkol sa special project na iibibigay nya sa’kin. Nagpasaring pa nga sya na kesyo hindi daw nya ko dapat bibigyan ng special project. Kasi naman unfair daw ‘yon sa mga kaklase ko na umattend at tumulong talaga sa naganap na founding anniversary ng school. Pero dahil mabait sya’t maunawain, pagbibigyan na daw nya ko.

Woooh! Muntik na ulit akong masuka dahil sa sinabi nya. Hahaha. Pagkapasok ko ng faculty, hinanda ko na ‘yung sarili ko sa kanyang sasabihin. Sigurado namang papahirapan ako nito e. Si ma’am pa.

“Maupo ka,” pahayag nito pagkakita sa’kin. Tinanggap ko naman iyon at naupo sa harap nya.

“Ahmm, mukhang busy po kayo ma’am ha? Hehe.” Napansin ko kasi ‘yung mga papel nya sa mesa. Sangkatutak.

“Oo, malapit na kasi ang midterm exam. I hope pumasa ka naman this time, Mrs. Kim?” Nakataas pa ang kilay nya habang sinasabi ‘yon. Okay na sana e. Masaya na ko kasi she called me Mrs. instead of Ms. Kaso nega naman ‘yung sinabi. Tss.

“Oo naman ma’am. Nagaaral na po ko ng mabuti ngayon. Baka magulat kayo, perfect pa yung sagot ko. haha.” ngiting-aso kong pahayag. Inismidan lang ako ni ma’am bago iligpit ‘yung mga papel sa harap nya. Natahimik tuloy ako bigla. Mamaya ibagsak na ko nito nang tuluyan dahil sa kadaldalan ko e. Mahirap na.

“Ahmm, ma’am. Ano po ba ‘yung magiging special project ko?” nagtanong na ko. Ayoko na kasing manatili pa dito sa pwesto ko. Feeling ko nasa hot seat ako e.

“Bago ‘yon, gusto ko munang isauli sa’yo ‘to. Napulot ‘to ng janitor habang naglilinis sya ng gym. Matagal ko nang gustong ibigay sa’yo ‘to pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon.” Nagliwanag ang mga mata ko nang makita ang aking cellphone. Buhay pa pala ‘to. Ang saya naman. Haha. Totoo pala talaga ang kasabihang kung para sa’yo. Babalik at babalik ‘yan. Hugot!

“Salamat ma’am. Matagal ko na po itong hinahanap e. Salamat po talaga ng marami.” Inabot ko ‘yung cellphone atsaka yumuko sa harap nito. Nakakatuwa. Hindi ko na kailangang bumili ng bago. Nakatipid rin kahit papano. Woot! Wooot!

Itinago ko agad sa bag ko ‘yung phone. Mahirap na. Baka mawala pa ulit.

“Now, let’s go on our business.” Seryosong pahayag ni ma’am. Muli na naman akong kinabahan. Diyos ko! H’wag naman sana imposible ang ipagawa sa’kin ni ma’am. Baka ipakumpleto sa’kin nito ang pitong dragon ball. Aba. Ayawan na. Hindi na lang ako gagraduate. Sige na. haha.

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon