CHAPTER 236

2.8M 62.3K 185K
                                    


Credits to the owner of this picture

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Credits to the owner of this picture. ♥


CHAPTER 326

MAX'S POV

"OH, MAXPEIN?" bungad sa 'kin ni Heurt. "Mag-isa kang bumalik?" aniya habang nakatingin sa likuran ko.

"Inihatid ako ni Lee," tugon ko nang hindi siya nililingon. Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng beer. Naupo ako sa kitchen island at sinimulang lumaghok.

"Ano ang nangyari?" usisa niya, tumunghay pa upang maghintay ng sagot. "Nagkita kayo? Ano ang sabi niya?" nakangiti niya pang tanong.

Lumipad ang tingin ko kay Heurt, masama, pailalim. Napaayos siya ng tindig at inosenteng tumitig sa 'kin. Napapabuntong-hininga kong inalala ang hitsura ni Sensui ngunit kamalas-malasang mukha ni Kimeniah ang bumalatay sa aking alaala. Napapapikit akong umiling saka muling lumaghok.

"Maxpein, tell me what happened," puno ng pagtatakang aniya.

"Ang sabi mo ay wala siyang iba, Heurt," mariing sabi ko.

Natigilan siya at tumitig sa 'kin. Sinalubong ko ang tingin niya at nagpatagalan kami sa pagtitig. "Wala nga," natutulirong aniya, lalong sumama ang tingin ko. "Wala akong nababalitaang may nobya siya. Panay ang pagkumusta ko sa kaniya at kaniyang pamilya, wala silang nababanggit."

"Wala nga," tumango-tango ako. "Wala kang nalalaman," sarkastiko kong dagdag.

Napamaang siya. "May iba na siya?" nagugulat niyang tanong.

Inis kong ibinaba ang bote at tumingin nang masama sa kaniya. "Si Kimeniah."

Nalaglag ang mga balikat niya. "Iba ba 'yon?" nakangiwi niyang tanong.

King ina, literal na bago pala ang iniisip niya. Letse! Lalo pang sumama ang mukha ko. "Ano ba, Heurt?"

Naglapat ang mga labi niya at nag-iwas ng tingin. "Wala akong nababalitaang may relasyon sila, ngunit ang dinig ko ay madalas silang magkasama. Iyon lang."

"Tss. Gano'n na rin 'yon."

"Wala silang relasyon."

"Hindi ako interesado sa kumpirmasyon kung meron o wala silang relasyon."

"Saan kung ganoon?"

"Sa nararamdaman ni Sensui, Heurt. 'Yon lagi ang importante sa 'kin." Tinungga kong muli ang bote at inubos ang laman no'n. Pabagsak kong ibinaba ang bote saka pinunasan ang labi ko. "Gaano kadalas silang magkasama?"

"Madalas."

"Gaano ngang kadalas?"

"Hindi ko alam, Maxpein, hindi kami magkakasama. Kung lumalabas man sila ay wala akong nalalaman, hindi naman nila ako isinasama." Walang halo ng sarkasmo ang sagot niya pero nainis ako.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon