6

43 4 0
                                    

Shin Tuazon's POV

Me and Kris had a nice talk, I decided to open up to Kris about everything. He's the only person that I can talk to about these kind of stuff except for my brothers. Sa sobrang saya ng usapan namin, hindi ko na namalayan na 4 am na.

Habang nag-uusap kami ni Kris ay may biglang sumulpot sa pintuan ko.

"Shin, Kris, baba." Pagtawag samin ni kuya Jin at napatingin naman ako sa baba ni Kris.

"Inaasar ka ni kuya." Bulong ko sa kanya habang inaalalayan niya akong tumayo.

"Bakit?" Naguguluhan niyang tanong.

"Baba mo raw eh, nahahabaan ata siya." Sabi ko at tumawa nang malakas. Nung makarating kami sa hagdan ay napatigil si Kris sa paglalakad and unconsciously, I stopped too.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Do you want me to carry you?" Tanong niya at tinignan iyong paa ko at napangiti naman ako.

"I've been through worse, Kris. You don't have to worry." Sabi ko at tinapik siya sa balikat at bumaba na ng tuluyan.

Umupo ako sa sofa at nakabilog naman sila ngayon samin.

"Bakit? Ano meron?" Tanong ko sa kanila nung makita ko silang seryoso.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ni kuya Jonas sakin at napasimangot ako.

"Oo, okay na yan. Naasar na nga yung baba ko." Sabi ni Kris at natawa naman sila kuya.

"Loko talaga 'to." Natatawang sabi ni Blake.

"Oh ano gusto mong gawin dun sa mga reaper na 'yon? Gusto mo bang kami magparusa o ikaw na?" Tanong ni kuya Trace.

"Pano ba kayo magparusa?" Tanong ko naman pabalik sa kanya.

"Usually, binubugbog dahil 'yun ang nasa rule kapag may error ang mga reaper." Sagot niya at umiling ako.

"Pwede namang ibang bugbog, diba? Bugbogin niyo sa training. Patakbuhin niyo ng 500 laps sa court. Gawin niyong whole day ang training. Isang oras na plank. Kasi kung sasaktan lang din natin sila physically, tayo din ang mawawalan kasi hindi sila magkakaron ng improvement. So let's just focus on making them stronger, okay?" Sabi ko at tumango naman sila.

"Pero hindi pa rin sila makakaligtas sa error nila ngayong gabi. Akala nila ubos na yung mga reaper ng black mafia na umatake dito kaya nakampante na sila at tatamad-tamad na naglakad papunta dito para mag-report satin." Sagot niya at umiling na naman ako.

"It's not their fault. Kung tutuusin kasalanan niyo. Dahil hindi niyo sila dinidisiplina nang maayos. Gusto niyo bang kayo ang disiplinahin ko?" Seryoso kong tanong sa kanila at agad naman silang napaiwas ng tingin sakin.

"Ang dami na kasi naming tina-train." Pagrereklamo ni kuya Miere at tinaasan ko siya ng kilay.

"Huwag kasi kayo basta-basta tatanggap ng gang. Alamin niyo muna kung capable sila. Ang problema sa inyo you're choosing quantity over quality tapos ngayong ang dami niyong kailangang i-train, magrereklamo kayo." Sabi ko at napa iwas sila ng tingin sa akin.

"Tawagan niyo lahat ng gang under your division. Ako mismo ang leader ng training sa susunod na araw, make sure na lahat pupunta at ang hindi pupunta automatic na tanggal sa mafia ko." Seryosong sabi ko na naman at napatingin sila sa 'kin.

"Seryoso ka, Shin?" Tanong sakin ni Blake at tinaasan ko siya nh kilay.

"Blake, did I stutter? I can't have another blood on my hands just because you're not capable of training them properly. Ginagawa niyo lang kasing katulong mga reaper niyo kaya tatanga tanga pagdating sa bugbugan." Sabi ko at tumango naman sila.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon