Chapter 79

1M 38.4K 24.1K
                                    

Festival Day 1.5

Jay-jay's POV

*Yaaaawwwwwnnnnn*

Wala pa man din pero inaantok na ko. Papunta na kong school ngayon. Umuwi muna kasi ako para kumuha ng gamit at babaunin. Dala ko pa rin si Snorlax.

Tabi kami ni Snorlax!

6pm na ko pumunta, kung anu-anu kasi pinag-gagawa ko kanina. Bukod sa paghahanap kay Kuya'ng Blue Eyes na Percy pala ang pangalan.

Sino kaya talaga sya?

Pagpasok sa school, marami pa ring tao. May program pa rin kasi sa auditorium. Dumiretso ako sa room namin.

Naka-ayos na yun. Ginilid na namin yung mga lamesa at bangko. Pagpasok ko kanya-kanya sila ng usap. Meron pang hindi nakapag-hintay at natulog sa hilera ng lamesa.

"Saan galing yang hawak mo?" Tanung ni Ci-N sakin.

"Nakuha ko kanina sa palaro." Mabilis kong sagot.

Binaba ko yung bag ko at nilabas yung sleeping bag. Nilabas ko din yung chutchirya ko, na malaking pagkakamali.

Dinagit ng Agila!

"Thug life." Sabi ni Ci-N at naki-gulo sa mga ulupong na kumuha ng pagkain ko.

Inayos ko nalang yung gamit ko. Pagtungtong ng 7pm lumabas na sila Calix, may dala silang flash light.

Hinihintay pa rin namin na matapos yung program. Dahil first day ngayon, maaga daw matatapos yun.

Balak ko sana matulog kayalang na-curious ako sa pinag-uusapan nila Ci-N at ng iba.

"Meron talaga... Nakita ko." Sabi ni Eren.

"Sabi nga nila, meron daw talaga don." Sagot naman ni Ci-N.

"Si Josh, may third eye yun. Sya tanungin natin dyan." Sagot naman nung isang kausap nila.

Si Josh, yung kaklase naming tahimik. Laging tulog at kapag nagsasalita nakakatakot. Ang hina kasi ng boses nya, parang nangongonsensya.

Usapang multo.

Bigla tuloy akong kinilabutan. Ayoko kaya ng multo. Oo... Hindi nila ko sasaktan pero---Hellow?!---nakakatakot pa rin!

"Tapos na yung program!" Sigaw ng kung sino kaya nagtayuan na kami.

Tinabi ko muna yung bag ko pati na rin si Snorlax. Lumabas na kami at sinara muna yung room. Sa auditorium kami dumiretso kung saan, lumalabas na yung mga tao.

Inabutan ako ng garbage bag ni Ci-N. Paglabas ng mga tao, nagsimula na kaming maglinis.

"Would you look at that?"

Napatigil ako dahil sa nagsalita. Sino pa nga ba?----edi si Freya'ng bruha! Nakayapos pa sya sa braso ni Kiko, at obvious na naiirita na sa kanya.

"Bagay na bagay sa inyo yung Task. Basura!" Sabi nya at ngumiti ng nakaka-asar.

Binuksan ko yung garbage bag ng maluwag at hinarap kay Freya. "Pasok na!" Utos ko sa kanya.

Tinignan nya ko ng masama. "Why would I do that?!"

"Basura ka diba? Umaalingasaw nga yung bulok mong ugali! Pasok na!"

Nagpamaywang sya at pinagtaasan ako ng kilay. "Excuse me! You and the whole Section E are the trash not me!"

Ginaya ko yung postura nya. "Basura man kami sa inyong paningin, may pakinabang pa rin!"

Bigla syang umarte na parang shock. "Wag mo nga akong gayahin! Nasisira ang reputasyon ko!"

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon