Chapter 22: Worried

3.9K 143 1
                                    











~*~
















(Cashmere's POV)














Letseng ilusyon na to. Kanina pa ako patama ng patama sa mga multo ng mga Ice blasts pero tumatagos lang ito sa kanila, frinoze ko na rin sila pero wala pa rin effect. Kung sa mga zombies naman, papatamaan mo, mabubuhay ulit. Letse talaga.

"Paano ba to matatapos?" Inis kong tanong kay Mich na ngayon halata mo na ring pagod na sa ginagawa.

"Sa tingin ko. Kailangan nating patayin mismo ang gumagawa nito." Sagot naman nya.

"Bat ngayon mo lang sinabi? Kung kailan hinang-hina na ako oh." Sagot ko naman.

Pero ayun, tinawanan lamang ako. Pero wait----nakakahalata na ako. Dalawa ba talaga kaming nandito sa ilusyon na ito o ako lang? Ibang aura ang nararamdaman ko kay Mich.

Tinitigan ko naman ang bawat kilos ni Mich. May mali talaga dito.

Gumawa agad ako ng Ice pick, yung sobrang tulis.

Dahan dahan akong lumapit kay Mich, tss. Sorry.

"P-Paano." Nauutal na tanong nya habang unti-unting napapaluhod.

Napangisi na lamang ako sa nakita. Don't understimate me, black wizard. I'm smarter than you.












**













(Michelle's POV)













Wah. Bat hanggang ngayon hindi pa rin sya nagigising?

Cashmere naman eh. Kakakilala pa lang namin sayo, magpapasakop ka na agad sa mga black magicians na pumasok sa isip mo.

Nandito kami ngayon sa clinic with the white magic user, Mr. Andrei. Naman eh. Iiyak na ako. Kani-kanina lang naglalakad lang kami ni Cashmere dahil nga malapit na ang curfew, at dahil malapit na nga ang curfew, bumilis ng bumilis ang lakad namin hanggang naging takbo na ito. Pagkatapos nun, nakaramdam ako ng itim na aura, then boom lagaboom! Natumba si Cashmere! Nagets nyo ba ako? Wah. Huhu! *sniff* Cashmere.

"Itigil mo nga yang mukhang yan Mich. Hindi yan nakakatulong, nakakaimbyerna yan." Nakasimangot na sabi ni Vanessa.

Isa pa to eh. Galit sa akin kase hindi ko daw sya hinintay na makalabas ng kusina bago kami dumiretso sa headmaster. Eh malay ko ba? Nakalimutan ko nga eh. Tapos ayaw nya tanggapin ang reason ko, wala daw kwenta. Ako lang ba nang-iwan? Sila Carlos, Patrick, Andrei at Cashmere din kaya.

Speaking of Patrick, ayaw na atang mawalay kay Ferresa sa headmaster office ah. Kanina pa namin kinontact. Pisti.

Speaking of the devil. Ayan na pala.

"Wala na bang ibang nadamay pa sa inyo?" Naghihisterical na tanong nya sa amin habang pinapasadahan nya kami ng tingin isa-isa.

Mabilis naman akong umiling ganun na rin sila, si Vanessa naman tinitigan lang sya at tinaasan ng kilay. Psh.

Napadako naman ang tingin ni Patrick sa natutulog na si Cashmere, ganun na lang ang pagkapangamba nito ng makita ang kalagayan ni Cash, namumutla na kase ito at nagkakandasugat-sugat na rin ang katawan.

"Kabago-bago napaglaruan agad ng isang dark magician." Sambit nito dahilan para mapatingin kami sa gawi nya na nakaupo na sa tabi ni Cashmere habang mataman itong tinitignan.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon