Chapter 24: Red Guy

4.1K 147 4
                                    










~*~














(Cashmere's POV)












Ngayon ang first day of school ko. Makabweset talaga. Hindi pa ako nakakain ng kanin simula paglabas ko ng hospital ni Andrei. Letcheng buhay. Puro prutas ba naman pinalamutak nila sa akin. Ayaw kase nila akong pakainin ng niluto ni Michelle. Tss. Kaimbyerna.

"Tara na sa Cafeteria." Yaya sa akin ni Vanessa na mukhang badtrip.

Keumagang-umaga badtrip kaming pareho. Ako gutom at sya mas halatang gutom na gutom.

"Woah. Aga nyo nagising ah. Wait---Cash, you look so adorable sa uniform natin!" Ngiting ngiting sabi ni Mich na kakalabas lamang ng kwarto nya habang may nakasabit pa na twalya sa balikat nya.

Taena? Seryoso sya? Adorable? At itong uniform na to? Hindi ako pokpoking babae para magsuot ng ganitong klaseng uniform! Duh~~ kala ko ba academy ito ha?

Mukhang matagal pa tong babaeng to ah. Puny*ts gutom na ako.

Bago pa ako makipagchikahan kay Mich pampalipas oras habang maliligo sya, hinila na ako papaalis ni Vanessa.

Nakuha ko naman ang ibig nyang sabihin at tumango na lamang bilang pagsang-ayon. Bago pa magwala si Michelle, nakalayas na kami sa dorm at pumunta na sa Cafeteria.

Doon ko lamang napagmasdan ang kagandahan ng Academy. Mula sa mga paru-parong hindi ordinaryo ang mga kulay at laki, mga halamang may sariling mga buhay, mga chandeliers na naglalakihan at napaka-enggrandeng titigan na nasa itaas. Wooh. This is awesome!

Nang makarating kami sa Cafeteria, sandaling nag-malfunction ang utak ko sa mga nasaksihan. Hindi pa talaga ako sanay.

Madaming estudyante na gumagamit ng kani-kanilang mga abilities. Nakakaduling! Hetong may lumilipad sa ere, may tumatagos sa pader, nagpapalit ng anyo, kayang ipalaki ang iba nyang parte sa katawan, at iba pa.

Iba talaga kase pagnasaksihan mo na sila ng sabay-sabay. Hindi katulad noon na unang punta ko rito sa Cafeteria, kaunti ang mga estudyante at wala ni isang gumagamit ng kanilang mga abilities.

"Sigh. Masasanay ka rin. Tara na gutom na ako." Sabi ni Vanessa habang walang ekspresyon ang mukha.

Nang pumunta na kami sa counter, agad na gumilid ang mga estudyante. Marahil ito kay Vanessa, prinsesa sya, isa sya sa Moon Ten or what should I say, isa sya sa high ranking students dito sa Moon Academy.

Ang totoo. Hindi ko pa alam ang lahat hindi ba? Marami akong katanungan sa aking isipan ngunit mas pinili ko na lamang isantabi ang lahat ng iyon alang-alang sa utak ko na malapit ng mag-overload.

Mas maigi na rin ata ang manahimik. Sabi naman nila, malalaman ko rin ang lahat at sagot sa aking mga katanungan. May tiwala ako sa kanila at handa akong maghintay sa kung saan man kasagutan iyon.

Umorder na lang ako ng chicken with rice, at isang plato ng spaghetti, alangan namang isang bilao? Okay, ang korni, as for desert umorder lang ako ng isang lava cake half with cheesecake at sa drinks ko naman, isang bottled of water at isang baso ng strawberry juice. Libre naman daw lahat sabi ni Matthew eh.

Umorder naman si Vanessa ng panglimahang pagkain, di ko sya masisisisi, gutom sya eh. Tss. At ako rin!

Kumain lang kami ng kumain, not minding the students who staring on us, murmuring. Psh, pati ba naman dito, ganung mga students pa rin ang makakasalamuha mo?

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon