Chapter 83

978K 37.3K 87.9K
                                    

Festival Day 3.5

Jay-jay's POV

"Okay.. Kagaya kahapon, tara na!" Sabi ni Keifer at akmang lalakad papunta sa building ng third year.

"Teka lang..." Pigil ko sa kanila sabay iwas ng tingin.

Hindi ako makatingin sa kanya!

"Anu na naman?!" Inis nyang tanong.

"Palit-palit naman tayo ng partner." Suggestion ko.

"Bakit?" Tanung ni Yuri.

Wag kana magtanung! Um-oo kana lang.

"W-wala lang... para maiba lang." Sagot ko.

Napatingin ako kay Keifer pero agad ko ding binawi yun ng makitang nakatingin sya sakin.

Titingin pa...

"Maiba taya nalang ulit." Suggestion ni Ci-N.

Pinwesto namin yung kamay namin. This time kasama na si David.

"Maiba... Taya!" Sigaw namin.

Si David at Ci-N ang naiba agad. Sila ngayon ang partner. Pumwesto ulit kami.

"Maiba... Taya!" Sigaw namin.

Si Yuri ang naiba. Bakit pakiramdam ko sya na naman ang partner ko? Pumwesto sila ulit pero hindi ko na nilagay ang kamay ko.

Humawak ako sa braso ni Yuri. "Partner kami!" Sigaw ko at agad na hinatak si Yuri. "...Sa first year kami."

"Hoy!" Sigaw nila sakin pero hindi ko sila pinansin.

Tuloy ako sa paghatak kay Yuri na halatang walang alam sa nangyayari.

Nakarating kami sa First Year building at binitawan ko si Yuri. Huminga ako ng malalim.

"Ayos ka lang ba Jay?" Tanung sakin ni Yuri.

"Oo.. Sorry ah? Ikaw kasi yung malapit sakin kaya ikaw yung nahatak ko." Paliwanag ko.

"Okay lang... Pwede kang magsabi sakin kung may problema." Sabi nya.

Pinaglaruan ko yung flashlight na hawak ko. Nahihiya kasi akong magsabi sa kanya.

Unfair!

Pinakiki-alaman ko problema nila pero problema ko hindi ko masabi sa iba. Hindi naman siguro masama kung magsabi ako kay Yuri kahit konti.

Nakarating kami sa second floor.

"Yuri.." tawag ko sa kanya. "...Alam mo yung feeling ng parang nagkaka-gusto ka sa isang tao kahit ayaw mo?"

"O-oo naman..." Sagot nya.

"Anong pwedeng gawin sa ganun?"

"What do you mean sa pwedeng gawin?" Taka nyang tanung.

"I mean, para maiwasan or hindi matuluyang ma-fall."

Napahinto si Yuri. "Bakit iiwasan? Jay... You can never stop falling into someone." Seryoso nyang sagot.

"Why?"

"No one can control feelings."

"Linawin mo..." Utos ko sa kanya.

"Jay... Maf-fall kung maf-fall. Feelings yan, hindi mo pwedeng diktahan."

"Bakit hindi? Ayoko... Ayoko nun." Pagmamaktol ko.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon