8

35 3 0
                                    

Shin's POV

"Can you drive?" Tanong sa akin kuya Jin habang pababa kami ng hagdan.

"Oo naman, nakakalakad nga ako." Sabi ko sa kanya at napangiwi naman siya.

"Hindi ka ba nasasaktan? Ako nasasaktan para sa 'yo eh." Sabi naman ni kuya Jonas.

"Hindi, kaya ko na mag-drive. Tara na." Sabi ko at nagmadali na pababa ng hagdan. Letcheng hagdan kasi 'to, sobrang haba.

"Where are you headed?" Tanong ni Mama na nasa garden kasama si Sr. Matt.

"Training po." Sagot nila at nag-bow naman ako sa mag-asawa.

"Mag-ingat kayo." Sabi niya at napalingon naman kami sa pintuan dahil naririnig namin ang sigaw ni nanay Corazon.

"Shin! Eto ang aid kit oh, nakalimutan niyo." Sabi ni nanay Corazon habang nag-aabot sa 'kin ng bag.

"Eh nanay may aid kit naman sa HQ, nag-abala ka pa." Ngumiti ako sa kanya at tinawanan naman niya ako.

"Bumabawi lang ako, nagalit ka ata sa 'kin noong nakisali ako sa mga kuya mo sa pang-aasar sa iyo." Natatawa niyang sabi at niyakap ko naman siya.

"Ano ba naman 'yan, nay! Hindi ako magagalit sa 'yo no! Love na love kita eh." Sabi ko at hinigpitan pa ang yakap sa kanya.

"Sige na, baka ma-late kayo sa training niyo." Sabi niya at nagpaalam na kami sa kanilang lahat.

Dumating kami sa HQ na nagkakagulo sa training hall. Wala man lang nakapansin na dumating na ako.

"Pasok." Sabi ko kila kuya at kinalabog ko ang pagsasara sa pinto para makuha ang attention nila.

Natahimik sa buong training hall at umayos na sila ng pwesto nang makita nila ako.

Naglakad ako papunta sa unahan nila at inantay na matahimik ng tuluyan.

"Fix yourselves. I want all the girls to tie their hair. I will not allow any accessories in your body. Move." Kalmado kong sabi sa kanila at nakarinig ako ng bulungan.

"What harm can an accessory do? Ang daming alam." Narinig kong sabi ng isang reaper na malapit sakin.

"Oh god." Bulong ni kuya Trace sa tabi ko.

"What did you say?" Pagsagot ko sa reaper at natahimik ang buong hall.

"Totoo naman, hindi naman makakasakit 'yong accessories na suot namin, kapag nga may actual fight meron pa talagang specific accessories para mas malakas." Maangas niyang sabi sakin at napatawa ako.

"Talaga? Okay. Wear you're specific accessories and fight me. Siguraduhin mong hindi kita mapapatay gamit 'yang mga accessories mo." Sabi ko sa kanya at tila nawalan naman siya ng kulay.

"Teka lang, sino ka ba? Akala mo naman kung sino ka magsalita, malakas ka ba, ha?!" Sigaw ng isang lalaki sa akin at napangiti naman ako.

"What punishment do you want?" Matigas na tanong sa kanya ni kuya Jin.

Nag-ingay ang buong hall dahil sa pagtatanggol sa akin ni kuya Jin. Hindi ako nagpupunta tuwing may training ang mga reaper because I have no one to train,  kaya malamang ay walang nakakakilaka sa akin.

"Pay respect to Deus." Sabi nito at natahimik ang mga tao sa loob ng hall. Lahat sila lumuhod sa harap ko at napatawa naman ako.

"Do as your told." Sabi ko sa kanila at agad nilang sinunod ang utos kong kinwestion nila kanina.

"Shin, pano gagawin natin? Masyadong marami, hindi kasya lahat sa hall." Tanong sa akin ni Blake.

"First of all, why are you calling me my name?" Tanong ko sa kanya at nanglaki ang mata niya.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon