Special Chapter #3

8.8K 271 105
                                    

Nakadalawang katok si Vice sa office ni Sir Deo bago niya ito tuluyang buksan. Ipinatawag siya nito kay Dumbo habang abala sila sa pagte-tape ng bagong show na irerelease two weeks from now. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay tumambad sa kaniya ang mga big bosses na nag-aabang sa pagdating niya. Saglit siyang binalot ng kaba dahil baka may nagawa oh may nasabi nanaman siyang hindi angkop sa mga batang manonood.

"Goodafternoon po," pilit ngiti niyang bagi as he accepted the chair na inialok sa kaniya ni Direk Bobet.

"Sorry for the interruption. I know you were busy taping for your new show but this can't wait," pauna ni Sir Deo habang binubuklat ang ilang papel na nakapatong sa table niya.

"Ano po ba 'yon? May nasabi po ba akong mali or nagawa during oncam?" nakangusong tanong nito.

"Hindi. It's not about you. It's actually about your daughter, Ana Klarisse."

Mabilis na kumunot ang noo ni Vice upon hearing his daughter's name. Simula ng ipanganak ang panganay na anak, nagsimula ng sumibol ang pagiging sensitive ni Vice specially when the issue is about his kids and family. May ideya na siya sa kung saan patungkol ang magiging usapan niya with the big bosses and he doesn't like that idea.

"Ms. Marion Ford, the most popular photographer of Italy sent me an email asking if she could get your daughter as their new model. Hindi ko alam kung paano niya nakilala ang anak mo but I guess, it was through social media. Alam mo naman kung ano ang magic na nagagawa ng iba't ibang uri ng sites na meron tayo." Sir Raymond added.

"Your daughter really inherited the beauty of her mom-

"Aray ko naman, Sir!" hindi napigilang matawa ni Vice nang ipamukha sa kaniya ni Direk Bobet na hindi sa kaniya nagmana ang anak. "Ipagduldulan daw ba na pangit ako,"

"I am not saying na pangit ka. Ang sinasabi ko, mas malaki ang na-inherit niya kay Karylle. Your wife used to be a model at hindi rin naman natin maitatanggi na your daughter also has a potential na sumunod sa yapak ng mommy niya," pahabol ng direktor.

"I told Ms. Ford that I would consult you first about this and she's giving you a week to decide. Napakalaking opportunity nito for your daughter, Vice." Sir Deo said.

"Hindi ko po tatanggapin," walang isip-isip na sagot ni Vice. He leaned his back sa upuan at nag-cross ng arms. "Bata pa masyado 'yung anak ko para tumanggap ng ganiyan kalaking trabaho,"

"Your daughter has the charm, Vice. Paniguradong hindi mahihirapan ang mga taong mahalin ang anak mo." pangungumbinsi ni Direk Bobet.

"Masyado pa pong maaga para mamulat si Klang sa mundo ng showbiz-

"Hindi naman pareho sa mundong ginagalawan mo ang papasukan ni Klang, Vice. Modeling might be a part of show business pero hindi ito kasing laki oh kasing lawak ng iniikutan mo," pahabol pa ni Sir Raymond.

"Direk, pasensya na po but we are talking about my daughter. As much as I want to give you what you want, ayoko pong i-risk ang tahimik na buhay ng anak ko. Sana po maintindihan niyo," desidong tugon ni Vice.

"One week. Pag-isipan mo munang mabuti. Alam ko ang pinanggagalingan mo at naiintindihan kita. I am not forcing you to get this opportunity for your daughter, just get the alloted time to decide. Kung hindi parin ang magiging desisyon mo, okay fine... makakaabot kay Ms. Ford."


























"Daddy, selfie tayo!" pag-aaya ni Klang sa kararating palang na ama. Tinabihan niya ito sa sofa at sumandal sa balikat nito as she takes pictures. Iba't-ibang face-pose naman ginawa ni Vice mapagbigyan lang ang anak sa gusto nito. "May maipopost nanaman ako sa facebook and instagram,"

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon