Chapter 1- Am I Really There?

126K 1.6K 63
                                    

A/N: Reposting old version with minor changes.

Sa mga nakakabasa na sa revised version dati, please ignore niyo nalang po muna kung ano ang nabasa niyo.

I made up my mind that I will be reposting the old version of this story and then proceed na sa ending.

Sorry and thank you for understanding guys! ^^~

— — — — — — — — — — — — — — — — — — — —

Miyu's POV

Oh sunny day! Perfect day para mag shopping at mag swimming sa beach. Namimiss ko na ang magbabad sa pool at mag sun bathing. Ang dami kong gustong gawin pagdating dito, pero bakit ganun?

"Waah!! Ayookoo naaa!" sigaw ko.

Kanina pa ako nasa labas ng airport na 'to. Mga alas-kwatro ata ako nakarating sa lugar na ito and I think mag-aalas singko na. Malapit nang gumabi.

Eh paano ba naman kasi, wala pa ang sundo ko! Grrr!! Dapat kanina pa 'yun nandito eh!

Umupo na muna ako sa isang bench doon, hila-hila ang maleta ko na ang laman ay obviously mga gamit ko.

5 minutes past... 10 mins.. 20 mins..

"Aish!! Matawagan na nga lang si Cube!"

Naiirita na ako. Ngayon lang ako pinaghintay ng ganito katagal.

5:30. Kapag hindi pa rin dadating ang taong pinasusundo ni Cube sakin ngayong 5:30, mananagot talaga siya sa akin! 

Dinampot ko sa bulsa ang aking cellphone at ini-on ito. Pero hindi ito bumukas.

Tsk! Lowbatt?

"How useless," tanging nausal ko na lang.

Inilagay ko nalang ito sa shoulder bag na dala ko.

Napabuntong-hininga ako.

Paano 'to? Paano ko ma-cocontact si Cube nito? Paano ko malalaman kung sino ang pinasundo niya sakin dito sa lugar na ito?

Nahulog ako sa matinding pag-iisip. Pero naudlot din iyon nang may marinig akong parang may tumatakbo papalapit sa akin.

Paglingon ko, nakita ko ang dalawang lalaki na tumatakbo patungo sa kinaroroonan ko.

At nilampasan ako.

Pero patuloy pa rin akong nakatingin sa dalawang tumatakbo. Curious?

"Problema nila? Pwede naman silang—" ay naputol.

"Huli ka!"

Hindi ko alam kung anong nangyari. Naramdaman ko nalang na may tumulak nang pagkalakas sa bench na inuupuan ko dahilan para mahulog ako sa lupa.

The fck?!

"Jackpot pre!" narinig kong boses ng lalaki na sa tingin ko ay siyang tumulak sa bench.

"Tara na!"

Teka?

Tinulak ba nila ako?

Ako? Tinulak? Nung mga lalaki??

Hinanap ko ang pinaggalingan ng mga boses. Takte! Akala nila hahayaan ko nalang sila sa ginawa nila sakin?

Pero hindi pa man din ako nakakatayo ay nakita ko ang isang grupo ng mga kalalakihan na tumatakbo patungo sa direksyon ko. Tantiya ko ay parang nasa sampu ang mga ito.

Miyu: The Queen of AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon