Eye Contact

47 3 1
                                    

Napansin kita nung unang pasukan, sa unahan ka pa nga nakaupo. Paano ba naman kasi yung ngiti mo nakakabwisit! Parang yung ngiti ng gagong nang-gago sa damdamin ko. Pero sa totoo lang, naaakit ako.

Ang presko mo, yung tipong pag nagsalita ka, para na kaming hahanginin.
Pero bakit ganun? Sa paningin ko, ika'y nananatiling kahanga-hanga.

Bakit ganyan ka ba makatitig?
Para kong hinihigop papunta sayo!
Wag mo ng uulitin yan ah,
baka malandi kasi kita kahit alam kong may minamahal ka na.

Pero sana bago matapos ang sem na ito,
kahit isang beses lang titigan mo ulit ako, ngitian mo ulit ako, kausapin mo ulit ako.
Gusto ko na kasing umamin sayo.
Na kahit ang yabang mo, kahit ang ingay mo, kahit pa boss ka, kahit siga ka at kahit madami kaming nabibwisit sayo, gusto pa rin kita! OO GUSTO KITA! Capslock na yan. Alam ko namang di mo mababasa to pero sana madama mo!

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now