Special Update #5

220K 3.2K 144
                                    

Special Update Chapter 5

Sunod sunod na maliliit na pagkatok ang nagpagising saamin ni Kyle.

"MOMMY! DADDY! WAKE UP!" Sabay-sabay na sigaw nung apat. Napangiti ako. Tumingala ako kay Kyle at maging siya natawa.

"Good morning Dad, happy birthday." Bulong ko saka hinalikan ko siya sa labi, naramdaman kong ngumiti siya sa pagitan ng halik naming dalawa.

"Thanks Mommy, I love you." Sabi niya, "Buksan mo na yung pinto, hindi titigil yang apat." Natatawang sabi ko, dahan dahan tumayo ang asawa ko at naglakad siya papunta sa pintuan.

Pagkabukas niya ng pinto sabay sabay kumanta ang apat na anak namin ng happy birthday, may dala dalang cup cake si Ethan na may kandila. Natawa ako, dahil yun yung cup cake na madalas kong ipabaon sakanila sa school.

Umupo si Kyle para magpantay sila nung apat. "Happy birthday Daddy!!" Sigaw nila at sabay sabay nilang pinaghahalikan ang mukha ni Kyle, napangiti naman ako nang marinig ko ang halakhak ni Kyle. Sabay sabay niyang niyakap ang apat.

"Ang sweet naman ng mga anak ko!" Masayang sigaw ni Kyle, "Daddy! Di ba magsisimbang gabi tayo ngayon!" Sigaw ni Troy, medyo bulol pa rin siya. Tumingin ako sa orasan 3:30 na, alas singko ang simula ng misa. Ngayon kasi ang simula ng simbang gabi.

"Yes, kaya maligo na kayo." Sigaw ni Kyle, "Buti na lang ginising tayo ni Kuya Ethan!" Sigaw ni Monique, sa apat na magkakapatid pinaka maaga palaging magising si Ethan lalo na kapag alam niyang may okasyon, ginigising niya ang mga kapatid niya para gumawa ng sorpresa.

"Waaaa! Croah! Croach!!" Sigaw ni Monique saka nagtago sa likod ng Daddy niya, kumunot naman ang noo ni Marcus. "I told you!That thing is a cockroach! Not croach!!" Pagtatama niya sa kapatid, si Marcus naman ang madalas magturo dun sa dalawang bunso. Actually pareho naman sila ni Ethan na tinutulungan yung dalawa, yun kasi ang bilin ni Kyle sakanila, dapat tulungan ang mga kapatid.

Kaagad naglakad si Marcus palapit dun sa ipis. "Anak! Dirty yan!" Sigaw ko, "Shhh!Mommy tinatakot niya si Princess..." Bulong ni Marcus, at halos manlaki ang mata ko nang hawakan nanaman niya sa antenna yung ipis!

Tumakbo siya palapit kay Monique at mas tinakot pa ang kapatid! "Accckkk!Daddy!!!" Hiyaw ni Monique, panay naman ang halakhak nung apat na lalaki at tuwang tuwa pa talaga sila? Tumakbo si Monique palapit sa akin at yumakap sa akin!

"Mommy!Croach!!" Pagsusumbong niya.

"Cockroach!!" Galit na sigaw ni Marcus, nakakatuwa itong mga batang 'to. Tumakbo si Marcus sa may bintana at itinapon sa labas yung ipis.

"Anak wash your hands na!" Sigaw ko kay Marcus, tumakbo naman siya sa cr namin ni Kyle at dun naghugas ng kamay. Maya maya pa dumating yung dalawang Yaya nila para asikasuhin na sila.

"Ang bango naman ng asawa ko." Paglalambing ni Kyle habang nakayakap sa likod ko, nakapatong ang ulo niya sa balikat ko. Hinampas ko naman ng suklay ang braso niya, nagsusuklay kasi ako ngayon, katatapos ko lang maligo. "Dad, mahuhuli na tayo sa misa." Suway ko sakanya, iniharap niya ako sakanya. Hinawi niya ang nakatabig na buhok sa mukha ko.

"Masaya ako Mommy dahil taon taon kong sine-celebrate ang birthday ko kasama kayo ng mga bata." Nakangiting sabi niya, pinisil ko ang ilong niya. "Ang drama Dad ha," Natatawang sabi ko, he smiled at me. He lowered his head and claim my lips, kahit kailan talaga hindi nagbabago yung paghalik niya sa akin.

"Dad... Naghihintay na yung mga bata sa baba." Bulong ko sa pagitan ng halik namin, dahan dahan siyang humiwalay sa akin at nginitian ako. "Let's go." Sabi niya saka hinila na niya ako palabas ng kwarto, pagbaba namin nakaayos na yung apat.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon