Chapter 33

33.1K 1.1K 146
                                    


Left's POV

"Bakit kasama sila?!" inis na sabi ko habang nakaturo kay Ralph at Kris.

"Bakit ayaw mo ba akong kasama, Left?" pa-cute na sabi ni Ralph. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Hindi."mabilis na sagot ko. Duh hindi pa ba halata?

"Ano ka ngayon?" natatawang sabi ni Sean. Sinamaan lang sya ng tingin ni Ralph pero hindi ko na sila pinansin.

"Ako nagsama kay Kris dito." tinignan ko si Fin.

"At bakit mo naman sinaman yan?" kainis naman, akala ko naman masosolo ko na si maid dahil walang asungot tapos malalaman ko na lang na kasama pala sya. Kaasar.

"Dahil magiging exciting ang mangyayari." anong exciting? gulo ang mangyayari lalo na kasama pa si Ralph at Sean. Hays! Nakakastress!

"That's enough. Pumasok na kayo sa bus. Anong oras na, mahaba haba pa ang biyahe natin." pasingit ni Ms. Dani. Ayun nagsipasukan na kami sa bus.

Hindi ko pinansin si Sean at Ralph na gusto nila ako maupo sa tabi nila. Hinila ko si maid sa pangalawa sa dulo. Sya ang umupo sa tabi ng bintana. Kinuha ko ang gamit naming dalawa at iniligay sa itaas tsaka ako umupo sa tabi ni maid.

Nginitian nya ako at sumandal sa balikat ko. Napangiti naman ako ng kusa. Kinuha ko ang kamay nya at pinaglaruan.

"Wag kang sasama kay Kris, okay? Sakin ka lang sasama dahil ako nagsama sayo dito." sabi ko sa kanya. Binatawan nya ang kamay ko at kinuha ang whiteboard nya. Pinulupot ko ang braso ko sa bewang nya at ipinatong ang ulo ko sa balikat nya.

Nagseselos ka ba? sabay lingon nya sakin na nakangisi. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Hindi 'no." sumisik ako sa leeg nya. Hinalikan nya ako sa noo kaya napangiti ako.

"Settle down guys. Aalis na tayo within two minutes. Mahaba habang biyahe 'to kaya pwede kayong matulog pero bawal kayong mag-ingay kapag may natutulog na. Kung tatawagin kayo ng kalikasan habang nasa biyahe. may stop over tayong madadaanan. Yun lang." sabi ni Ms. Dani hawak yung mic.

"Kaliwa. may pagkain ka bang dala? pahingi naman." rinig kong sabi ni Jade.

"Wala, manahimik ka dyan." natawa ako ng mahina nung napatalon ng konti si maid. Siguro nakiliti nung magsalita ako dahil nakasiksik pa din ako sa leeg nya.

"Damot mo. Purkit kinakain mo na si Nissan." napakunot ang noo ko sa sinabi nya kaya napalingon ako sa kanila. Sila yung nakaupo sa likod namin ni maid. Kasama nila si Lyrin na katabi ni Gia.

"Ay kaliwa, wag ganon." sabi ni Veron. Sinamaan ko sila ng tingin at kinuha ang whiteboard ni maid at hinampas silang dalawa.

"Ang letche ninyo." sabi ko at binalik kay maid yung whiteboard nya. Nakasimangot naman sya at nagsulat.

Bakit mo pinaghampas whiteboard ko? Kawawa naman.

Nakangiting nailing na lamang ako. Yumakap ako sa kanya na hindi naman sya umangal, sumandal pa sya sa balikat ko. Napatingin ang gawi ko kay Kris na katabi ni Nami, nahuli ko syang nakatingin samin tapos umiwas din ng tingin. Napangisi ako. Mainggit sya!

"Ang daming matatalim na mata 'no, Gia?" rinig kong sabi ni Fin sa likod. Hindi ko na lang sila pinansin dahil kung ano ano naman ang kagaguhan ang pinagsasabi nila.

Hinawakan ko ang kamay ni maid at in-intertwined ko ang kamay naming dalawa. Napangiti ako na maramdaman ang malambot na kamay nya. Hindi talaga kong magsasawang hawakan ang mga kamay nya, ayokong bitawan pero kinakailangan. Kung pwede lang liligyan ko ng glue ang kamay naming dalawa para hindi mabitawan at wala na ding makaagaw sa kanya.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon