9

33 5 0
                                    

Shin's POV

"Dito na lang kayo, wala naman kayo gagawin sa loob, you'll make it more awkward." Sabi ni kuya Jin bago pumasok dun sa hospital room ng mama ni Shine. Though kahit naman papasukin niya kami ay hindi ako papasok.

"Pogi ba anak mo?" Tanong ko bago pumasok si kuya.

"Magaling naman ako pumili ng maganda, Shin." Sabi ni kuya at umiiling na pumasok. Hindi ko pa din kasi nakikita yung baby. Paano, surprise daw sabi ni kuya at bukas niya ipapakilala samin si Shine sa bahay. Ang dami niyang kemerut diba?

"Tumatawag si Zsa-Zsa." Pag-inform ni kuya Trace samin bago niya sagutin yung tawag habang naka-loud speaker siya.

"Your parents are looking for you, sabi nila ay hindi raw kayo sumabay ng dinner at hindi pa kayo umuuwi simula kanina. Where are you?" Tanong niya samin.

"We're at the hospital. May inayos lang kami." Pag-explain ni kuya Trace at galit na pinatay ang tawag.

"Is everything alright? Tell me where you are and I'll fix things for you. Go home." Sabi niya pero binabaan lang siya ni kuya Trace.

"LQ kayo ni Zsa-Zsa, 'tol?" Natatawang tanong ni kuya Jonas at nabatukan naman siya ni kuya.

"Pwede namang sila ang direkta na tumawag satin bakit kailangan si Zsa-Zsa pa?" Tanong niya at ikinuyom ang kamao.

"Parang tinanong mo na din kung bakit sila magulang natin kung pwede namang ibang tao." Natatawang sabi ni Kuya Miere.

"Di pa ba kayo sanay? Di pa ba kayo napapagod sa pagra-rant kung gano sila ka cold satin? Hindi ba kayo nagsasawa?" Tanong ko at natigilan sila.

"Nagsasawa na kasi ako. Lagi na lang ganon. Paulit-ulit na lang. Kapag naman sila tumawag sa inyo maiilang kayo diba? Just accept it." Sabi ko at natahimik sila.

"Kung makapagsalita 'to akala mo siya panganay." Sabi ni Blake at nakurot ko siya.

Ilang minuto pa ay lumabas na si kuya Jin sa kwarto nung nanay ni Hiro at nagyaya na siyang umuwi. May mga body guards naman na nagbabantay kay Hiro so chill lang si Ezrajin.

Nasa parking lot na kami nang mapukaw ng isang sasakyan ang attention ko. Bakit andito sasakyan nila Brigitte?

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko naman si Brigitte na akay-akay ng driver niya.

"Wait lang, CR lang ako. Ihing ihi na ako." Sabi ko at kaagad nanakbo papasok ng hospital para sundan siya.

Nakarating kami sa ER at bahagya akong lumapit sa kanila para marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Brigitte, sabi ko naman kasi sayo, 'wag mo na pwersahin 'yang puso mo at uminom ka na ng gamot mo, 'wag ka na magpasaway." Sabi ni ate Lina at nanglaki ang mga mata ko sa narinig ko.

Bahagyang humarap si ate Lina sa direction ko kaya agad naman akong nanakbo palabas ng hospital.

So, tama nga lahat ng hinala ko. Bawat pagdududa ko sa health condition niya, totoo.

"What took you so long?" Nagtatakang tanong ni Blake sa 'kin at nalungkot naman ako lalo. Kahit naman hindi aminin ni Blake, I know he's holding back his feelings for Brigitte.

"Mahaba 'yong pila eh." Sabi ko at sumakay na ako sa sasakyan ko.

I won't tell anyone I know, kasi 'yon ang gusto ni Brigitte. If she wanted the whole world to know she wouldn't have kept it for this long.

Umuwi na kami at pagdating namin sa bahay ay sarado na ang mga ilaw kaya dumiretso na kami sa mga kwarto namin at naligo muna ako at nagsuot ng pantulog ko at sando bago humiga sa kama at binuksan ang laptop ko.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon