Chapter 31

234K 2.3K 46
                                    

CHAPTER 31

I watched him walk towards me with his surf board. Basang basa ito dahil sa kakaahon nya lang mula sa dagat. Siguro ay magiisang oras na rin syang nakabilad doon habang ako naman ay andito lang sa ilalim ng puno ng niyog.

Pinagmasdan ko ang kabuuan nya habang naglalakad. Napakaperpekto talaga ng muscles nito sa katawan. Ang wet look nya lalong nagpagwapo sakanya tapos naidagdag pa sa hotness nya ang surf board. Di ko akalain na ganito pala kagwapo itong boyfriend ko. I'm a lucky bitch.

Nabanggit sakin kanina ni Dylan na magdadalawang taon na daw sya since natuto syang magsurf. Enjoy daw iyon and niyaya pa ko na subukan ko. But HELL NO! Ayoko. Pakiramdam ko ay malulunod ako pag nagkamali ako.

I preferred to watch him from afar kesa magswim sa dagat, bukod kasi sa mainit, medyo.. uhh.. medyo natatakot ako. Magaganda ang mga alon , napakaperfect para sa surfing pero pakiramdam ko ay tatangayin nila ko papalayo sa gitna ng dagat. Besides, tirik na tirik ang mga araw, mabilis pa naman ako umitim and busy sa pagsurf si Dylan, baka hindi nya ko mabigyan ng pansin doon or kaya baka makaistorbo pa ko sa ginagawa nya.

Malapad ang ngiti nya habang papalapit na sya sakin. Kinuha ko sa dala naming bag ang twalya nya at iniabot iyon sakanya.

Akala ko ay kukunin nya sakin ang twalya pero bigla nya kong hinalikan sa pisngi at tumabi sakin paupo.

Okay, now I'm wet! "Dylan! Magpunas ka nga muna."

"You should enjoy the beach, Max." NAkangisi nyang sabi.

"I am enjoying the beach." Irap ko sakanya.

"Para saan pa yang beach attire mo kung di ka rin naman maliligo sa dagat? Enjoying the view ka lang naman eh, hindi naman enjoying the beach." Napailing sya at napakamot ng ulo.

DYLAN'S POV

“Di.. uhm.. I don't know how to swim sa mga dagat. Oo naman, I’ve been in beaches pero hindi talaga ako lumalangoy. I loved watching sharks when I was a kid until dad joked na may sharks sa dagat. Nakalakihan ko na yung joke na yon and proven na wala naman sa mababaw na parte, pero hindi maalis sa utak ko. Post traumatic, probably. Sabi nila parang sa pool lang din pero wala namang alon sa pool ha!!!" Nagulat ako dahil bigla nya kong hinampas. What was that for?

"You don't know how to swim sa dagat?" Ininda ko ang sakit ng hampas nya dahil I was too amused sa confession nya. Who would have thought na ang isang Maxine Andrea Buenavista ay hindi marunong lumangoy sa dagat dahil takot sya sa sharks? Really? Sharks sa mababaw na parte ng dagat?

"Feeling ko na baka mamaya habang lumalangoy ako dyan eh may pating. DON'T LAUGH!" Nahihiya nyang amin.

"Babe, isa lang.." Shit, di ko mapigilan.

"No!" Tapos ay hinampas nya uli ako.

"Please, babe." Namimilipit na ako dito dahil sa sobrang pigil ko sa tawa ko.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon