Chapter Seven

63.8K 1.8K 170
                                    

I hopped off the treadmill as soon as it stopped running. Tumatagaktak ang pawis sa noo ko. It's my last routine for today. Inalis ko ang isang ear bud mula sa isang tenga at dinampot ang water bottle at face towel na inilapag ko sa gilid kanina.

I placed the towel on my shoulder and uncapped the bottle to drink. Nakapikit ako habang uhaw na uhaw na uminom ng tubig. Damn. Ikaw ba naman ang mag thread mill ng thirty minutes? I didn't even notice the time. Ini-set ko ang thread mill sa ganoong oras kaya kusa itong huminto.

"Hey, Kenna." Napadilat ako nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko.

It was Darin. Iyong lalaking nakilala ko rito sa gym at nanghingi ng number ko. He's wearing a white ragged sleeveless shirt. It was so loose that I could see the muscle cuts and beautiful ripples of the side of his body.

Itinigil ko ang pag-inom ng tubig at umayos ng tayo. I'm still sweaty from the heavy work out. My hair is only tied into a messy bun. Hindi pa ako nagpupunas ng pawis. Itim na racerback sportsbra at maikling running shorts lang ang suot ko. But then, I'm very aware how guys find it hot, so I didn't mind.

"Hi," bati ko rito at matapos ay ngumisi.

"I've been wanting to ask you this... Pero hinintay ko ang Wednesday dahil mas maganda kung sa personal," paliwanag nito. 

Umangat ang isa kong kilay. Hindi pa rin naalis ang ngiti sa mga labi ko. "What is it?"

"May event tomorrow night sa isang club. My friend is one of the organizers, so I managed to get free passes. Uh..." Kumamot siya sa kanyang batok. Namumula ang kanyang mukha nang tumingin sa akin. "Can you... Do you... Will you go with me?"

"Tomorrow night?" ulit ko habang nag-iisip.

May pasok kinabukasan. It's not wise to party but... Pinanuod ko ang ekspresyon niya. He looked hopeful and really expectant.

Wala naman akong gagawin bukas ng gabi. Mag-isa lang ako sa bahay at walang kasama na magdi-dinner maliban kay Shadow. This is a potential love life. Papalampasin ko pa ba?

"Sure," sagot ko na sinamahan ko pa ng tango.

"Really?" unti-unting lumaki ang guhit sa mga labi niya.

"Really." Tumango ako. "Text me the details. I'll text you my address so you can pick me up."

"I will," agaran na sagot niya, nakaguhit pa rin sa mukha niya ang malaking ngiti.

Ngumisi ako sa kanya bago nagpaalam at umalis na mula roon para makapaligo at magbihis sa shower room.

Nang matapos sa gym ay sa university ako dumiretso. May tatlong subjects ako ngayong araw. One major and two minor. Nagkaroon ng quiz sa nagkasunod kong klase at nagawa ko naman ipasa pareho. My day dragged, like always.

Nang dumating ang vacant ko ay pumunta ako ng food court. Nina sent me a text, informing me their whereabouts. Kasama niya si Oli.

May fruit shake na sa ibabaw ng table nila pero wala pang totoong pagkain. They're waiting for me. Kahit iyon naman talaga ang ginagawa nila dati pa ay hindi ko pa rin maiwasan na mapangiti. It was such a small gesture but it matters to me a lot.

Una akong nakita ni Oli nang makalapit ako sa kanila. Malaki ang kanyang ngiti at kumaway para madiliin ako sa pagpunta sa table nila. May sinabi si Oli kay Nina. He probably told her that I'm approaching.

Lumingon si Nina sa gawi ko. Nanliit ang mga mata niya habang papalapit ako. There's disappointment in her face. It's a sign that I did something that she frowns upon. Ano naman ang ginawa ko?

Embrace the Suck (Bad, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon