Kabanata 64

3.7K 72 3
                                    

Kabanata 64 ~ Baby

Dali-dali kong ni-type ang salitang caliginous.

Maraming lumabas sa na-search ko. May mga caliginous lang, caliginous2, caligunous3 at marami pang iba.

Ang nakapagpatigil sa akin sa pag-scroll ay ang Prince Caliginous at King Caliginous. Ito na kaya 'yon?

Pinindot ko 'yong codename nila para makita 'yong pinaka profile. Walang picture. Paano ko malalaman kung sila nga 'to?

Tss. Bahala na nga. Lahat na lang ng may Caliginous sa codename ay icha-chat ko. Copy, paste na lang. Ito lang naman 'yong pinaka message.

'There will be a meeting tomorrow, 3:00 p.m. Here at the GW.  Don't you dare ignore this or I'll kill you.' 

Hahaha, panakot ko lang 'yong huling sentence. Sana naman um-attend silang lahat.

Magdi-disguise na naman ako. Buti na lang at hindi ko pa tinatapon 'tong mga kwintas at itong maskara. Suot ko nga siya ngayon para kung may tao man na makakita sa akin ngayon ay hindi ako makikilala.

Kamusta na kaya iyong Italyanang may-ari nito? Kawawa naman. Baka wala pa ring nakakakita doon.

Naisipan ko ng lumabas at i-lock na ang office ko. Pupuntahan ko muna 'yong lugar na pinagtaguan ko roon sa babae. Walang katao-tao ngayon dito sa Gangster World.

Gusto niyo bang sabihin ko sa inyo ang itsura ng Gangster World?

Para lang siyang malaking school campus tapos palitan niyo 'yong mga room ng gym, clinic, at matataas na buildings. Palitan niyo rin ang guard ng maskuladong lalaki sa gate. Ganoon ang itsura ng GW.

Pagkadating ko ay nandoon pa rin 'yong babae. Medyo mabaho na at may ilang ipis. No'ng isang araw pa siya at walang nakakakita. Binugaw ko ang mga ipis at may isa pang naligaw na daga.

Kadiri. Paano ko kaya hahawakan 'to?

Hinila ko nalang ang kamay nito. Teka, saan ko naman 'to ililibing? Paako kung may naghahanap pala sa Italyanang 'to? Aish!

Binitawan ko muna ito at naghanap ng makakatulong o sa madaling salita ay para mautusan.

Nagpunta ako sa mala gym din na praktisan. Paggusto makipaglaban, mag praktis kasama ang ka-gang at pag may hamunan na nagaganap ay dito iyon ginagawa.  Ito lang kasi ang alam ko na siguradong may tao.

Natigil sa paglalaban ang dalawang lalaki ng makita ako. Bigla na lang sila nag-bow na ikinagulat ko. Ay oo nga pala, ako na ang bago nilang pinuno. Bwahaha!

"I came here to ask for help." sabi ko.

"What kind of help?" ani mo'y magalang nitong sabi. Ganito pala ang trato nila sa isang pinuno.

Inutos ko sa kanila na dalhin nila 'yong babaeng Italyana sa pamilya niya at sabihin na nakita lang nila ito na patay na.

Iyon lang naman ang inutos ko. Ang dali lang kaya, 'di ba?

Bago umuwi ay kumain muna ako sa isang restaurant dito. Mmm... Yummy!

Tinawag ko na 'yong isa sa mga waiter at tinanong kung makano ang babayaran ko.

"Masarap ba talaga rito?"

"Aba, malay ko. Ngayon pa lang ako kakain dito."

Napatingin naman ako sa pinto nitong restaurant.

"Gabbie! Kier!" napatakip ako bigla sa bibig ko.

"Peace." mahina kong bulong dahil nakatingin sa akin ang iba.

Kahit kailan talaga agaw atensyon itong bunganga ko!

"Uy, marz." sabi ni Gabbie.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko.

"Ayaw mo? Sige uuwi na kami. Tara na baby Kier. Let's go back to the Philippines na." napanganga nalang ako sa sinabi ni Gabbie.

"Baby Kier? Kayo na?!" ako

"Shh. Ang lakas ng boses mo. Porke ba baby kami na? Hindi pwedeng anak ko?" pagsusungit ni Gabbie.

"Marunong ka ng magsungit ngayon, ha." nakataas kilay kong sabi.

"Hahaha, char lang marz. Alam mo namang joki-joki lang 'yon." sabi nito. Naupo na kaming muli sa lugar kung saan ako kumain.

"Freya, how's your life here?" ani Kier.

"Boy Abunda lang ang peg? Anyway ayos naman kahit na ang tagal ninyo akong iniwan." mataray kong sabi.

Bumungisngis lang silang dalawa.

"Kasi si mommy pinilit ako na i-extend pa ang pag-stay sa amin." dahilan ni Kier.

"And you." sabay turo ko kay Gabbie.

"Si Harry ka—Si mama! Pina-extend din ako." lalong tumaas ang kilay ko. Nasa buhok na siya. Joke! Baka maniwala kayo.

"Harry?" pang-uusisa ko pa.

"A-ah oo. He he he." Gabbie.

"Kaya pala." sabi ko.

Itong si Gabbie mukhang may tinatago na.

"Kumain na tayo. Gutom na ako. Ito kasi si Freya ang tagal umuwi. Iintayin ka nga dapat namin kaya lang napakatagal mo kaya pumunta na kami rito. Isu-surprise ka pa naman dapat namin." ani Kier na tumawag na muli ng waiter.

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Kier. Ang sweet naman ng mga bessy ko. Hay, may naalala tuloy ako sa bessy. Never mind na lang.

Kumain lang sila ng kumain habang ako ay nakatitig lang sa kanila. Mukhang ginutom ko nga sila sa paghihintay. Hindi kasi nagsabi na babalik na sila edi maaga sana akong umuwi.

Pagkatapos ng kainan portion ay umuwi na kami sa inuupahang condo namin.

"Parang move-on ka na nga, a." ani Kier.

"May bago na ba? Ha? Ha?" pangungulit ni Gabbie.

"Oh, may nagdo-doorbell." ani Gabbie kaya hindi natuloy ang isasagot ko.

"Ako na magbubukas." prisinta ni Kier. Tumayo na siya para pagbuksan kung sino man 'yon.

"Ano ng sagot mo?" kulit ulit ni Gabbie.

"Hin—"

"Fuck! What are you doing here?! Anong ginawa mo kay Bella?!" halos tumalon ang puso ko sa narinig at tumakbo ng mabilis papunta sa pintuan. Baka kung ano pang magawa nila kay Kier.

"REX! STOP IT!" sigaw ko ng makitang kinuwelyuhan na ni Rex si Kier. Buti na lang hindi niya sinuntok si Kier dahil babae pa rin ito kahit na sabihin pang tomboy.

Binitawan na ni Rex si Kier at nasa likod ni Rex si kuya Zein.

Lumapit sa akin si Kier at inakbayan ako.

Putcha! Anong nasa isip mo Kier.

"Bakit? Ano ba ang sa tingin mo ang ginagawa ko rito sa condo ng girlfriend ko? 'Di ba baby?" tanong ni Kier na nakatingin sa akin.

What the?!

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon