Kabanata 65

3.6K 74 1
                                    

Kabanata 65 ~ Laughter

"Stop what you are doing." bulong kong mahina kay Kier.

"No, I won't." siya.

"GIRLFRIEND?!" parehong gulat na saad ng dalawang lalaking nasa harap namin.

"Yeah, bakit? Concern ka ba? Sandali, parang naaalala kita." ani Kier na kunwari ay nag-iisip.

"Please stop." I said whispering pero hindi niya ako pinansin.

"Ah! Ikaw 'yong lalaki sa mall dati. Ikaw 'yong nanglait sa baby ko. 'May tao pa palang nauuto ang panget na babaeng 'yan. Kung ako sayo makipag-break ka na dahil manloloko 'yan.' hindi ba at linya mo 'yon? And Fuck you for that!" ani nito at mabilis na hinila ako.

Bigla ko tuloy naalala 'yong sa mall. Naalala ko pa 'yon, masasakit na salita na hindi mo aakalaing manggagaling sa taong mahal mo.

Sinundan naman ako nina kuya.

"Hi po!" bati ni Gabbie na hindi alam ang nangyayari.

Tumango lang sila kuya.

Nakayuko lang ako dahil nakatitig sa akin si Rex.

Umupo lang kami sa sofa at naupo na rin sila. Binuksan ni Gabbie ang t.v dahil napansin niya 'ata na awkward.

"Kayo ng kapatid ko?" tanong ni kuya na bumasag sa katahimikan.

"Hi—"

"Oo" putol ni Kier.

"'Wag mo ng ituloy ang pinaplano mo." bulong ko ulit kay Kier.

"Ano ka ba, para nga makabawi ka sa gagong 'yan." balik nitong bulong sa akin.

"How sweet." sarcasm is visible on Rex' face.

"Mag-usap tayo mamaya." seryosong saad ni Kuya Zein.

Patay!

Matalim ang titig ni Rex kay Kier habang si kuya Zein ay tila inoobserbahan ang bawat kilos ni Kier.

Baka matunaw na si Kier.

"Kukuha lang ako ng foods." ani Gabbie at pagbalik ay may mga dala ng iba't-ibang klase ng chichiriya na pinaghalo-hao niya sa malaking bowl.

Kumuha na ako pero mabilis itong inagaw ni Kier.

"Let me do it. Say ah." ngumanga nalang ako at nginuya ang sinubo niya sa akin na pagkain.

Nakatitig lang ako sa t.v dahil ayokong mabaling ang tingin ko kay Rex.

"Kuha ka naman ng inumin, Gabbie." utos ni Kier.

Pagkakuha ng inumin ay inabot ito ni Kier.

"Inom ka na baby." ani Kier.

Uminom na lang ako para walang gulo.

"Fuck you Asshole!" napatayo na lang ako sa gulat ng mabilis na sinuntok ni Rex si Kier.

"ANONG SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO?! " galit kong sigaw kay Rex.

"Anong problema sa pag-inom ng ininuman ng girlfriend ko?" nakangising saad ni Kier.

Seryoso? Ininuman niya rin 'yon?

Sabagay pareho naman kaming babae.

Matalim lang ang titig nito kay Kier. Napatingin ako kay Kier at matalim din na tinitigan si Rex.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon