Chapter 26: Eclipse Siblings

4K 156 6
                                    









~*~








(Cashmere's POV)










Alas singko pa lang ng umaga nagising na ako. Ginawa ko na ang morning rituals ko at umalis na ng dorm pagkatapos. Hindi na ako nag-abala pang gisingin sila Mich at Vanessa dahil alam kong masasapak lang ako ng dalawang yun.

Dumaan muna ako ng Cafeteria bago naglakad-lakad. Hindi ko pa pala nalilibot tong Academy. Sa laki ba naman neto magkakaroon pa ba ako ng tyaga? Wag na uy.

Naghanap ako ng magandang spot para magpalipas oras. Nakarating ako sa mapunong parte ng Academy. Sa tingin ko, ito ang lugar kung saan naririto ang mga guardians. Mahilig sila sa environment kaya hindi na nakapagtataka.

Umupo ako sa isa sa mga kahoy roon at nagsimula nang magmasid sa paligid. Kahit na ilang araw na ako rito, hindi ko pa rin naiiwasang mamangha. Narito ako sa mundo ng mga mahika. Hanggang ngayon ang dami kong tanong pero mas mabuti ng isantabi diba?

"Ang aga mong nagising Master. Magpapapiging na ho ba ako?" Natatawang sabi ni Allen bago maupo sa aking balikat.

"Baliw. Tumahimik ka nga. Nag-iisip ang utak ko." Seryoso kong saad sa kanya.

Agad naman syang lumipad sa aking harapan at tinitigan akong mabuti sa aking mga mata.

"Seryoso ka Master? Meron ka nun?" Hindi makapaniwalang sabi ni Allen habang nakaawang pa ang bibig.

Agad ko naman syang inirapan at tinaboy sya sa harap ko. Panira ng umaga eh. Bweset.

"Allen." Tawag ng isang malalim na boses.

Agad namang napalunok si Allen at tinitigan ang nagsalita.

Ang for my surprise, it was him. The Captain of Moon Ten. The one holding the Pyrokinesis ability, Rence.

"Do you know where she is?" Tanong ni Rence kay Allen.

Mabilis namang umiling ang guardian ko bilang sagot sa kanya. Bahagya namang tumango si Rence at pagkatapos umalis na. Hindi na sya nag-abala pang tignan ako, letse. Bat ba ako naiinis? Duh~~maganda ka pa rin naman Cash!

"Sino yung tinutukoy nya?" Takang tanong ko kay Allen na mukhang natatae.

"He's guardian." Maikling saad ni Allen.

Hindi na ako nagulat sa sinabi nya. Kung si Tamix Jayden nga lang may guardian na, si Rence pa kaya na Captain? Iba talaga pag special, naespecial ako dahil kay Matthew. Tenchu!

"Special Child. See you soon master!" Paalam ni Allen habang nakangisi.

Bago ko pa sya mahambalos nakatakbo na sya. Special Child! P*tcha!












**
















"Saan ka nagsususuot?" Mapanuring tanong sa akin ni Mich habang nakapameywang.

"Naglibot lang." Maikli kong sabi sa kanya at inilapag na agad ang ulo ko sa mesa.

Di ko alam kung bakit ko dinidibdib ang paglalayas na lang paalis ni Rence ng hindi man lang ako nililingon. Naiinis ako! Ugh! I can't help it!

"Grabe ka Cash. Magkabukol ka sana." Natatawang sabi ni Carlos.

Hindi ko sya pinansin at mas lalo ko pang diinan ang ulo ko sa mesa hanggang pumasok na ang teacher namin.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon