41: Ghost From the Past

20K 759 55
                                    

Tahimik ang buong biyahe namin. It was a very long and tiring journey. Halos tulog lang ang mga kapatid ko sa loob ng mga oras na 'yun samantalang ako ay malalim na nag-iisip at minsan ay naiiyak.

Hindi pa rin nawawala ang sakit sa dibdib ko lalo na at lage kong naiisip si Titus.

Nang pumasok kami sa Graviville ay saka lang nagising ang mga kapatid ko.

The city was a lot bigger than Hellville. It had tall buildings, fancy restaurants, huge shopping malls, lots and lots of cars on the road.

This busy city was so different from the simple town of Hellville. Everything in here was new and developed. Ni wala ka nang makikitang dirt road dito.

Napalitan ang kalungkutan ko ng pangungulila sa mga magulang namin. Not so many months ago, we were living happily here, complete as a family.

Naramdaman ko ang pagsiksik ni Rianah sa tagiliran ko kaya niyakap ko s'ya. Si Max naman ay nakasilip lang sa labas.

It was already six in the morning and people were everywhere. Some were going to work, some to school.

Isang malaking gate ang pinasok ng van na sinasakyan namin. Ang laki ng bakuran dito at nang napatingin ako sa unahan ay nakita ko ang napakalaking mansyon...no it wasn't a mansion. It was almost a freaking palace in the heart of the city.

"Di ba sabi ni Mommy dati government office ito?" ani Max na tulad ko ay namamangha rin. Who wouldn't be amazed to be near this splendid palace?

Tumango ako. "Yes. Hindi nga lang niya sinabi na government ng mga bampira pala."

Tumigil ang sasakyan sa mismong harap ng palasyo. Nakababa na sina Orpheus at Yadira at hinihintay kami.

I got out numbly with my brother and sister and I secretly studied the whole place.

The place had three storeys and it wasn't that far from the gate. Maraming mga nakakalat na guards na hula ko ay mga Purebloods din.

More Sentries.

"Welcome to Gerhardt Manor," nakangiting sabi ni Orpheus na inimwestra pa ang palasyo n'ya.

"Dito kami titira?" nagtataka kong tanong.

Bakit naman kasi kami titira sa iisang bahay kasama ang presidente ng mga bampira hindi ba?

"Because this is also your home," tanging sagot niya saka nagpatiuna na sa loob.

Nalilito pa rin ako nang sumunod kami sa kanya. Nang makapasok kami sa loob ay ang courtyard ang una kong nakita. Nasa gitna ito at nakapalibot ang buong mansion.

Maraming mga taong naglalakad sa paligid. May mga nag-eensayo pa ng kanilang fighting skills dito sa courtyard.

"Sumunod kayo sa akin. I will take you to your room," agaw ni Orpheus sa atensyon namin kaya agad kaming sumunod sa kanya.

Bakit kailangang siya ang maghahatid sa amin? Hindi naman nagpo-provide ng kasagutan si Yadira na tahimik lang na nakasunod sa amin.

Sa ikatlong palapag ang mga silid namin. Rianah's room was big. It was pink with lots of dolls and other toys in it. And she was so thrilled.

Ang kwarto naman ni Max ay off white ang paint sa wall at brown ang furniture.

And my room? It was enormous. Gold ang interior n'on and the step ceiling had a massive chandelier. Ang kakapal pa ng drapes na naka-cover sa malaking bintana.

Mukhang pinaghandaan ni Orpheus ang pagdating namin ah.

"We will have breakfast in an hour. Ipapasundo ko na lang ang mga kapatid mo sa maids. For now you can rest," ani Orpheus saka ako iniwan.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon