Chapter 88

1M 35.6K 20.7K
                                    

Author's Note: Sorry sa paghihintay.. Picture sa baba

Wild Party

Jay-jay's POV

Ayoko sanang lumabas pero kailangan kong libangin ang sarili ko para mawala kahit sandali sa isip ko yung ginawa ni Yuri.

Parang video tape na paulit-ulit na nagp-play sa isip ko yun. Idagdag pa yung mga sinabi nya. Parang ang awkward ng humarap sa kanya.

"Jay..." Tawag sakin ni Felix. "...Okay lang talaga sayo? Ihahatid na kita pauwi kung ayaw mo."

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa bahay ng ka-team nya sa basketball. Celebration daw kasi ng pagkapanalo nila. Yung party-party na sinasabi nya at kaming dalawa lang ang invited.

"Okay lang... Anu kaba? Matagal na kong umo-o diba?"

"Baka kasi napipilitan ka lang..."

"Hindi no! May iniisip lang ako."

Nag-nod nalang sya sakin. Lakas kasi maka-peste nung ginawa ni Yuri. Pero aaminin ko, hindi ako nakaramdam ng galit nung ginawa nya yun.

Medyo malayo pa kami sa bahay nung ka-team ni Felix pero dinig na dinig na namin yung malakas na music.

"Saan ka nga pala natututong mag-violin?" Biglang tanung ko kay Felix.

Naalala ko kasi yung Battle of the Band. Nagawa nyang magpalit ng instrument at galing nya.

Napayuko si Felix at parang nag-isip sandali.

"S-sa stepbrother ko."

Shooot!!!

Hindi ko intensyon na buksan yung topic na yun tungkol sa kapatid nya. Very wrong!

"Sorry..." Sabi ko.

Nagpilit sya ng ngiti. "Okay lang..." Huminga sya ng malalim at niligid ang paningin. "...Idol ko sya eh. Gusto ko kung aning alam nya alam ko din."

"Close siguro kayo..."

"Sobra! Lagi nga syang kinakagalitan kasi sinasama nya ko sa mga kalokohan nya!" Kwento nya habang nakangiti. "...Tapos nung nag-aaral na kami, sinasabi nya sa lahat na tunay kaming magkapatid! Hindi rin sya payag na may umagrabyado sakin! Tapos pinakilala nya sakin sila Keifer!"

Ang saya nya tignan habang kinukwento yung tungkol sa stepbrother nya. Sobrang close nila kahi hindi naman sila tunay na magkapatid.

Naalala ko bigla yung Kuya ko. Kamusta kaya sya sa pamilyang umampon sa kanya? Meron din kaya syang kinikilalang kapatid ngayon? Alam kaya nya na may kapatid sya sa tunay nyang pamilya?

"...Kayalang nung pagtagal mas madalas na nyang kasama sila Keifer kesa sakin. Hangang sa nangyari na nga yung aksidente." Biglang nag-iba yung tono nya.

Mukang masakit pa rin sa kanya yung nangyari sa stepbrother nya. Tinapik ko sya sa braso.

"Kung nasan man sya, sure akong binabantayan ka nya." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Gumanti naman sya ng ngiti. Gusto ko pa sana magtanung pero sensitive issue na yung inuungkat ko.

Napahinto kami ng makarating kami sa tapat ng bahay nung ka-team nya. Ang laki nung bahay, ang daming tao at napakalakas ng music.

"Tutuloy pa ba tayo?" Tanung ko kay Felix.

"Parang ayoko na." Sagot nya sakin at tinignan ang paligid.

Parang mga hayop na nakawala sa koral yung mga tao. Sayawan ng sayawan, tawanan ng tawanan, halikan ng halikan, suka ng suka at walang tigil sa pagtungga ng alak.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon