Chapter 87

942K 37.2K 27.6K
                                    

Festival Day 5.5

Jay-jay's POV

Malakas ang sigawan ng mga tao sa auditorium. Hangang dito sa pwesto ko naririnig ko sila.

Nasa gilid ako ng room namin ngayon. Ayoko manuod, makikibalita nalang ako sa kung sino ang mananalo.

Pagkatapos ng nangyari kanina, ayoko munang makipag-usap sa kahit kanino. Umuwi ako sa bahay at dun umiyak pero nakita naman ako ni Kuya Angelo. Kinailangan ko ding bumalik sa school dahil magpa-patrol pa kami.

Pero pinili kong magpa-iwan habang yung iba nanunuod at naghihintay ng oras nila.

Hawak ko yung cellphone ko at tinitignan yung mga text nila sakin.

From: Ci-N
Message: 11am na daw yung contest. Sunduin ka namin ngayon.

From: David
Message: asan k? Umalis ka daw?

From: Yuri
Message: Sagutin mo yung tawag ko! Please!

From: Ci-N
Message: Jay! Sagutin mo! Nag-aalala kami!

Hindi ko mapigilan na hindi maiyak habang binabasa yung mga text nila. Alam ko kasi na nasa akin ang sisi ng lahat. Masakit sakin yun, pinaghandaan namin ng husto yung contest pero nauwi lang sa wala.

"Hindi kaba nilalamok dyan sa pwesto mo?" Tanung ni Yuri at biglang naupo sa tabi ko.

Pinunasan ko yung luha ko at pilit tumahan.

"Hindi naman... Bakit nandito ka?"

Napatingin ako sa tabi nya. May dala syang gitara. Ngumiti sya sakin at tumingin sa langit.

"I don't know where to go."

"Sa auditorium ka dapat... Hindi mo ba hihintayin yung announcement kung sino nanalo?" Tanung ko sa kanya at pilit inabot yung gitara sa kamay nya.

"Ayoko! Disqualified naman ako, bakit aalamin ko pa yung mananalo?"

Natigilan ako sa sinabi nya. Disqualified? Hindi ko alam yun. Pero bakit naman?

"Bakit ka na-disqualified?"

"Isang contest lang daw kasi per person." Sagot ni Yuri at ngumiti sakin.

Inabot din nya yung gitara ng mapansin nyang nahihirapan akong abutin yun.

Nilagay ko yun sa hita ko at nag-feeling gitarista.

"Ibig sabihin kung natuloy pala si Ci-N, madi-disqualified din sya?"

Nag-nod naman si Yuri. Pero wala namang sinabing ganun sa rules. Pakana naman siguro to ni Freya. Nasayang tuloy effort ni Yuri.

Ang ganda pa naman ng kanta nya.

"Jay..." Tawag sakin ni Yuri. "...Sino yung Cyrus?"

Natigilan ako, hindi ko kasi alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya. Nakakasawa mang pakinggan pero naiilang talaga akong magsabi.

Hindi masama magsabi minsan.

May punto yung bulate sa utak ko. Sabi nga nila na gagaan daw yung nasa loob mo kung ilalabas mo.

"E-ex-boyfriend ko."

"Kamusta naman ang pagkikita nyo?"

"Uhmm... Hindi maganda."

Tinignan ako ni Yuri. "Pwede mo bang ikwento?"

Tipid na tango ang sinagot ko sa kanya. "Ayaw nya kong paalisin. Gusto nya dun lang ako sa tabi nya. Sinakal pa nga nya ko dahil sa galit nya."

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon