Chapter 89

981K 37.1K 34.4K
                                    

Hero

Jay-jay's POV

Pain! Pain! Pain! Pain! Pain! Pain! Pain!

Ang sakit ng ulo ko! Feeling ko pati bungo ko masakit din! Pinilit kong isiksik ang ulo ko sa pagitan ng maraming unan.

Kinapa ko rin sa Snorlax na laging nasa tabi ko. Yun nga lang, hindi ko sya makapa. Napalitan akong ibangon ang ulo ko para makita sya pero hindi ako makakita ng maayos.

Bukod sa buhok kong nakaharang sa pagmumuka ko medyo nahihilo pa ko. Bahagya akong umikot at makahanap ng magandang posisyon.

Bakit ang dami ko yatang unan?

Muli kong dinilat ang mga mata ko at bumungad sa 'kin ang puting unan. As in puti na puting puti parang ulap.

Kelan pa naging puti ang punda ng unan ko?

Binatak ko yung kumot ko para makapag-talakbong pero inalis ko din agad ng mapansing puting puti din ang kumot ko.

Grey kaya ang kumot ko!

Bakit ganito yung punda at kumot? Napatingin ako sa kisame. Kelan pa kami nagkaroon ng chandelier sa kwarto?

Bumangon ako at tinignan ang paligid ko. Kelan pa lumaki yung kwarto ko?----shit!

Sa ibang bahay ako natulog?! Anu bang nangyari kagabi?!

Tang'na! Si Kiko!

Tinignan ko agad yung sarili ko. Pinakiramdam ko din yung sa katawan ko. Baliktad tong t-shirt ko pero kumpleto naman ang suot ko. Wala ding masakit sakin maliban sa ulo ko.

Anung nangyari sakin? Natuloy ba yung balak ni Kiko? Tumayo ako mula sa kama at hinubad yung t-shirt ko. Banaliktad ko yun at sinuot ulit.

Niligid ko yung kwarto hangang sa natagpuan ko yung banyo. Naghilamos na ko at ang daming bagong toothbrush kaya kumuha na ko ng isa.

Kung sino mang may-ari nito babayaran ko na lang sa kanya mamaya. Matapos kong ayusan ang sarili ko, lumabas na ko at lumapit sa isa pang pinto na tingin ko ay palabas ng kwarto. 

Dahan-dahan kong binuksan yun at sumilip. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa rin ako ng ka-team ni Felix-----shit!

Si Felix nga pala. Anu na kayang nangyari sa kanya? Sana naman walang nangyaring masama sa kanya.

Naglakad ako sa hallway nitong bahay. Putcha! Ang lawak ng hallway! Saan ako susuot dito? Lakad ako ng lakad iisang hallway lang ata ang dinadaan ko.

"Tsk! Badtrip!" Sigaw ko at bumalik ulit sa kwartong pinanggalingan ko.

Yun nga lang hindi ko na alam kung aling kwarto. Pare-pareho kasi ang itsura ng mga pinto. Naglakad nalang ulit ako ng naglakad hangang sa matagpuan ko yung hagdan pababa.

Sa wakas!

Yayamanin siguro may-ari ng bahay na to. Grand staircase ang dating nitong hagdan. Dinaig ko pa prinsesa sa paglalakad ko.

"Miss.."

"Ay palaka!" Sigaw ko at halos mahulog ako sa hagdan. Buti nalang at mabilis akong napahawak sa gilid.

"Okay lang po kayo Miss?" Sabi nung lalaking tumawag sakin at inalalayan ako sa pagtayo.

"O-okay lang..." Sagot ko at inayos yung sarili ko.

Napatingin ako sa lalaking tumawag at tumulong saking tumayo.

Keifer?!

Pero parang hindi. Mas bata yung itsura nya at muka syang good boy. Halos magkasing laki lang kami. May suot din syang salamin.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon