Rainbow

784K 13.7K 2.8K
                                    

Asha's POV

Isang bwan ng comatose si Jd, Doctor said, maayos pa ang mga mga vital signs nya, nagreresponse pa naman ang katawan nya sa mga gamot na tinetake nya.

Napatingin na lang ako kay Jd habang nakahiga sya.

Natuyo na ang mga sugat nya, bumalik na ang dati nyang mukha; pero hanggang ngayon tulog pa din sya.

Malapit na ang birthday nila Mayu at Miyu, sana naman magising na sya, tatlong araw na lang ..

Si Mayu ay patuloy pa din sa pag atake ng seizure nya, hindi maipaliwanag ng mga Doctor nya kung bakit ganoon kabilis malaglag ng katawan nya, kapag nag se-seizure sya ay laging nasa panganib ang buhay nya. Ang mga Doctor nya ay walang magawa kung hindi turukan na lang sya para mapainom ng gamot, dahil ako mismong Ina nya ay wala ding magawa, napakahirap ng sitwasyon ko. Dalawang mahal ko ang walang kamalay malay na namemeligro.

Pero this past few days ay maayos ang kalagayan ni Mayu, hindi na sya naka confine, nagpapasalamat nga ako dahil magbe-birthday sya bahay at hindi sa Hospital. But there's a problem on my Iko, malaki na nga sya at nakakaintindi na ng nangyayari sa paligid nya; He confronted me on my room, kasalukuyan akong nagaayos ng mga gamit namin ni Jd na dadalhin sa Hospital.

"Nay is this true na may sakit si Mayu?"

Nabigla ako sa tanong ni Iko, he's just six years old, but he's talking me like a fine man.

"Iko diba, I told you, may lagnat sya .." paliwanag ko sa kanya..

"Nay narinig ko sila Manang, may sakit si Mayu eh, iba yun, hindi lagnat .." umiiling pa na sabi nya sakin.

"Nagkamali ka lang siguro ng rinig .." gumagaralgal na yung boses ko at di ko na maitago yung kaba sa puso ko.

"No nay, sabi pa nila nasa Hoapital si Tatay .." nakita kong tumulo na yung luha nya pero nandoon pa din yung tatag sa boses nya.

"Iko.." naaawang tawag ko sa kanya.. pinunasan nya yung luha sa mata nya.

"Nay gusto ko makita si Tatay .." matatag na sabi nya. Umiling ako agad at inayos yung mga damit ni Jd. "Nay sige na .." kulit nya pa.

Ayokong sumagot sa kanya, ayokong sabihin na nasa Hospital nga si Jd, ayoko rin malaman nyang may sakit si Mayu. At ayaw kong makitang nasasaktan sya.

"Manang!" tawag ko sa kasambahay namin. Lumakad na ako papuntang pinto.

"Nay sasama ako sa'yo!" humawak si Iko sa laylayan ng damit ko.

"Iko no .. " pilit kong inalis yung kamay nya but instead niyakap nya ko.

"Nay gusto ko makita si Tatay!" mahigpit ang hawak nya sakin.

Umiiling ako at inalis yung kamay nya.

"Iko .. no. Ok lang si Tatay. Don't you worry." paliwanag ko sa kanya.

"No Nay. Sasama ako sa'yo. Pupuntahan ko si Tatay!"

"Manang, kayo na po bahala sa kanila .." bilin ko kay Manang na hawak hawak si Iko.

"Nay! Nay naman! Nay!" tumulo ang luha na pinipigil ko pagbaba ng hagdan.

Sobra nang sakit. Dahil pati anak ko nadadamay sa problema namin. Narinig ko pa ang masasayang tawanan nila Elo, Mayu at Miyu sa likod bahay. Nagtuloy ako sa sasakyan namin at nagpahatid na sa Hospital.

Pag iyak na walang katapusan na lang ang kaya kong gawin ngayon.

Tiningnan ko yung poon na nasa ulunan ng kama ni Jd. I do believe angels , so I do believe in God.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon