/25/ Murder the Past: Ireneo

363K 13.1K 1.5K
                                    

"There are things that have to be forgotten if you want to go on living

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"There are things that have to be forgotten if you want to go on living."


[George Morris' P.O.V.]

DALAWAMPU na lang ang natitira.

Sa loob ng kalahating oras, marami na akong nakita, dahilan para sumakit yung ulo ko. Malakas makahigop ng enerhiya kapag ginagamit ko ng husto ang mga mata ko. Pero hindi ako pwedeng tumigil, marami pa 'kong dapat makita.

Alam ko kung sinu-sino yung nakabunot ng ace of spades, nagagawa ko namang makapuslit ng kindat ng hindi nila nakikita.

At isa sa kanila...

Si Lord Ireneo III

Ang may pinakamataas na ranggo sa caste system ng klase. Ang sinasabi nilang ang nagpasimula ng caste.  Ang sinasabi nilang kumokontrol sa aming lahat. Ang sinasabi nilang pinakamakapangyarihan sa klase. Pero walang nakakaalam kung sino nga ba si Ireneo. At kung bakit at paano niya nakontrol ang lahat.

Nararamdaman ko na pinagsususpetyahan niya na ang mga kilos ko kaya naman kapag nagkakaroon ng pagkakatoon ay mabilis kong tinataya ang iba. At saka ulit siya babalik ng tingin sa'kin.

Kagaya ni Tamaki, kakaiba rin ang mababasa sa mga mata ni Ireneo. Sa likod ng makapal na lente ng salamin, makikita ang mga mata na may kung anong nababalot na misteryo. Hindi. Hindi namin siya kauri, hindi siya Peculiar.

Ngumisi si Ireneo sa'kin, na para bang sinasabi niya na mahuhulog din ako sa bitag niya, na para bang pinapamuka niya na kahit sino ay kayang-kaya niyang ibagsak. At walang ibang makapangyarihan kundi siya.

Hinigop ng kanyang mga mata ang aking diwa at dinala sa ibayo ng nakalipas.

"G-good morning. M-my name is L-lord James Ireneo III. I-it's nice t-to meet you all." Halos nakayuko at mahinang pagkakasabi niya noong first meeting ng unang taon sa junior high. Wala kang ibang mapapansin sa kanya bukod sa salamin sa mata at buhok na halos matakpan ang kalahati ng kanyang mukha.

Mahiyain at tahimik na tao, iyan ang mailalarawan mo kay Ireneo o mas kilala bilang James noong mga panahon na 'yon. Walang ibang nakakapansin sa presensya niya maliban na lamang tuwing nagkakaroon ng class participation, isa siya sa mga nangunguna.

He's an achiever, natural na siguro 'yon dahil anak siya ng president ng Parent-Teacher Association ng White Knights Academy. His mom, a perfectionist, wanted everything perfect for her children. At dahil doon he always aimed for the best.

But as they said, you can't always get what you want.

He never reached the first rank. For some reasons, marami rin kasi siyang kakumpitensiya.

"Second place ka lang sa ranking. Nag-aaral ka ba talagang mabuti, James?" hindi pa man niya sabihin alam na kaagad ng nanay niya kung ano ang resulta ng standings. Ganoon nga siguro kapag nanay mo ang president ng PTA, kilala at may impluwensya sa loob ng eskwelahan.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon