Chapter 12

119K 2.7K 355
                                    

                                                                             ******

CLARISSE

Sinalubong ko agad si Lance bago pa man ito makalapit sa kinatatayuan ni Pierce. I grabbed his arms and shifted his body to a different direction.

“Akala ko ba idadaan mo lang ako? Then what are you doing here? How about your girlfriend?” sunud-sunod, kinakabahan at pabulong na mga tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako agad sinagot sa halip ay kunot-noong tiningnan niya ang aking mukha. Halatang nagtataka ito sa obvious na natatarantang reaksiyon ko.

“Scarlet called me, may biglaan daw silang group study. She asked for another one and a half hour for me to wait,” paliwanag nito habang papalit-palit ang tingin sa aking mukha at sa kanyang braso kung saan mahigpit akong nakahawak.

Ang kulit talaga ng lalaking ito!

“Then you should have waited her in the campus. Bakit kinakailangan mo pa akong puntahan dito?” nagpipigil ng panggigigil na wika ko.

“This place is only fifteen minutes drive away from UP kaya naisipan kong balikan ka. Since I have plenty of time to waste, I decided to drive you home,” nakangiti pa nitong sabi.

You decided? Bakit sinabi ko bang magpapahatid ako! Bakit ba ganito ka-entremetido ang taong ito?

“Huwag mo na akong ihatid. Sige na, sige na bumalik ka na sa girlfriend mo. Hintayin mo na lang siya sa kung nasan man siya,” nagmamadaling sabi ko while slowly pushing him back to his car.

Kinokontra ni Lance ang bawat pagtulak ko sa kanya at tinanggal niya rin ang aking kamay na nakahawak sa kanyang braso. Pagkatapos ay umayos siya ng tayo at tumingin sa kinaroroonan ni Pierce. Hindi pa rin ata nito nahahalatang pinagtutulakan ko siya.

“Who is he? Siya ba ang anak ni Mrs. Calderon?”

Ipinaling ko ang kanyang ulo sa ibang direksiyon.“Huwag mo siyang tingnan, war freak ang taong yan baka mamis-interpret ka madamay ka pa sa init ng ulo niya. Umalis ka na at marami pa kaming dapat pag-usapan. Hindi mo na rin ako maihahatid dahil matatagalan pa ako.” 

His face slowly changed. He looks slightly convinced. Mukhang naniwala ito sa sinabi ko. Unti-unti akong nakahinga ng maluwag ngunit bumalik ang kabog sa aking dibdib nang makita kong si Pierce naman ang naglalakad papalapit sa amin.

“Where’s his car?” walang kaabog-abog na tanong ni Pierce.

“W-Why are you asking that?” I said nervously.

“He’s here to pick you up, right?” sabay ngisi nito kay Lance before he gave me a meaningful teasing gaze. “Pare, pwede ba akong makisabay sa inyo?” kaswal na kaswal na dugtong nito.

“S-Sure…” hindi tiyak na sagot ni Lance. “But are you guys done talking? Akala ko marami pa kayong pag-uusapan.”

“Saka na lang, mukhang pagod na si Attorney. Okay lang ba makisabay pare?” ngingiti-ngiti lamang na wika ni Pierce.

What the heck is going on inside this guy head? Ah this is making me crazy! Mukhang may balak pa atang ipamblack mail sa akin ang mga nasabi ko nang magtalo kami. It's your fault Clarisse!Bakit ba naman kasi pinatulan mo pa ang makitid ang utak na taong iyan.

Tumingin sa akin si Lance as if he's asking for my opinion before he gave Pierce an answer. Pero kahit pasimple ko pang iniiling ang aking ulo, iba naman ang ibinigay nitong sagot.

"O-Okay lang... p-pero attorney just told me that I don't need to drive her home. Maybe you can convince her."

Isa pa tong lalaking to!

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon