Chapter 1

303 12 8
                                    

KAYLE

Kayle,

Hey.

First, I don't want to talk to you in person so I'm writing you this stupid letter. Can you please stop bugging me? Hindi kita kilala. The only thing I know about you is your name. And your bestfriend? That noisy and annoying girl, kindly tell her to stop disturbing my peace of my mind here in school. Panira ng araw. She keeps on blurting out that you're my bestfriend. What the hell? Bestfriend? May hindi ba ako naaalala? Did I have some kind of amnesia? Or you're just daydreaming. Either way, I don't care.

I may hurt your feelings, but please stay away from me. You're ruining my life.

I don't know you, you don't know me, end of story.

-Calibre




I crumpled the scented paper he left on my locker.

"Tss," I said in annoyance.

"Ano na namang sabi ng gagong 'yun?" reklamo ni Cielo.

We walked over the hall.

"Ano pa nga ba? Edi tinataboy na naman tayo."

"Sa bagay, ano pa nga bang bago? Ang pinagkaiba lang siguro eh ngayon lang siya nagsulat ng letter para sa'yo, dati puro singhal lang," nagkibit-balikat siya.

"Ewan ko ba sa kaniya."

Napadaan kami sa field at isang tipikal na pangyayari lang naman. As usual, maraming estudyante ang nakatambay doon. May kani-kaniyang ginagawa.

But one thing caught my eye.

"Si Calibre ba 'yun?" turo ni Cielo sa grupo ng lalaki na nakatambay sa isa sa mga tables and benches.

Tumango ako.

Lalagpasan na lang sana namin sila nang biglang hinila ni Cielo ang damit ko.

"Aray!"

Hinila-hila niya ako at pinagtutulak, "Tingnan mo kasi 'to!" tumalon-talon pa siya.

"Ano?" tumingin ako sa tinuturo niya.

The cheer leading team, specifically Crystal's group, is now on Cal's table with his friends. He looked so happy and amused.

I rolled my eyes heavenwards.

"My goodness, Cielo!" I screeched and pulled her.

"Napakapangit ng view, sis," reklamo niya.

Tumigil ako at hinarap siya, "Ikaw pa may ganang magreklamo, ano? Ikaw naman 'tong nagturo sa akin."

"Para naman malaman mo noh! Kung anu-ano na lang ang pinaggagawa ng Calibre na 'yan."

Pagdating namin sa fourth floor, second room, 11-A, kitang-kita ko ang magugulo kong mga kaklase.

Pumasok na kami at umupo sa likod, malapit sa bintana.

"You were saying?" sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana, ang sarap ng hangin.

"Sabi ko, nagiging pabaya na si Cal sa pag-aaral niya."

"Ganun na talaga," sagot ko.

"Kayle, umamin ka nga, may pakialam ka pa kay Cal o wala na?" tanong niya.

Tumingin ako sa kaniya, "Alam mo na ang sagot, Ciel."

Bumuntong-hininga siya. "Hayy, ano pa nga ba."

Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon