Chapter 14

1.2M 45.1K 19.3K
                                    

Chapter 14: Why?

Zein's Point of View

Lumipas ang mga araw at mas naging busy si Ace. Minsan nga ay hinihila ko na lang sya para kumain o kaya ay pinagdadala ko na lang sya ng pagkain sa kanyang kwarto.

"Wala kang pasok?" Tanong nya sa akin 'pagkalabas nya ng kwarto.

Nakatanggal pa sa pagkakabutones ang ilang parte ng kanyang kulay puting polo. Halatang nagmamadali ito dahil basa pa ang kanyang buhok ngunit nagsusuot na agad sya ng pantalon na halos magkandarapa pa sa pagsuot ng sinturon.

"Wala, sinabi ko sa'yo kagabi pero mukhang hindi mo narinig... You were busy." Tumayo ako at lumapit sa kanya.

Inayos ko ang butones ng kanyang polo at sa malapitan ay nasinghap ko ang amoy ng shower gel nya at ang kanyang pabangong lagi kong naaamoy.

"Sorry," he whispered. Tinulak ko sya nang yakapin nya ako.

"Basa ka!" Singhal ko.

Ngumisi lang ito at humarap sa salamin para magsuklay ng konti. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi pa nya 'yon naayos.

"Buhok mo."

"Hmmm... Messy hair?"

"Magsuklay ka."

Hindi ako pinansin nito at pumasok lang sa kanyang kwarto. Pagkalabas nito ay suot na nya ang back pack nya. "Wala naman akong popormahan sa school kung wala ka, why would I bother?" Pinilig nito ang kanyang ulo habang sinisintas ang kanyang sapatos.

Nairap na lang ako kahit na hindi naman sya nakatingin.

"Oo nga pala. 'Yong cake sa ref, anong balak mong gawin don?" Tanong ko. "Masama ba lasa? Okay lang kung itapon mo." Parang may sumagabal sa lalamunan ko pagkasabi no'n.

"Don't you dare," Naningkit ang mata nito. "I have to go..." Lumapit ito sa akin at biniyayaan ako ng halik sa noo. "Just call me if you need something." He whispered.

"Paano kung ikaw ang kailangan ko?"

"Darling, you just don't need need me... I am your necessity."

Humalakhak ito bago lumabas. Kinain ang lugar na ito ng katahimikan.

Pabagsak na humiga ako sa sofa. May gumugulo sa isipan ni Ace. Kilala ko sya, marunong syang magbalanse ng oras, bihasa sya sa ganon. Pero parang nawawala sya sa sarili nya these past few days.

Kinapkap ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Hinanap ko ang pangalan ni Vanessa sa contacts ko at tinawagan.

"Hello?" Bungad nito.

Umayos ako ng upo. "Are you free?" Tanong ko.

Tumingin ako sa wall clock. Mukhang maiinip lang ako kung mananatili ako sa condo na ito. Wala si Ace at baka gabi na rin 'yon umuwi.

"I'm taken."

"Funny." Sarkastiko kong sagot. "Ano nga?!" Mejo iritado ko ng tanong ko.

Tumayo ako para isara ang pinto ni Ace ngunit parang may nag-udyok sa aking pumasok doon. Napangiti ako nang makita na ang ayos nya talaga sa mga gamit.

"As long as your treat."

Ngumiwi ako bago hinawi ang kurtina ni Ace. Kumunot ang noo ko sa isang bagay na nakita ko.

"Then, see yah." And she ended the call.

Dumuwang ako sa bintana at tama nga ang hinala ko. Nagmadali akong bumaba at tumungo sa information area ng building na ito. Wala akong pakialam kung nakapajama pa rin ako basta kailangan kong makumpirma ang hinala ko.

Chasing Hell (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon