Chapter 90

1M 37.7K 32.6K
                                    

Brothers

Jay-jay's POV

Nagugutom na ko! Gusto ko sanang humingi ng pagkain pero kanino? Umuwi na kaya ako, kayalang hindi ko alam kung ganu kalayo tong bahay nila Keifer sa bahay namin.

"Ikaw naman Jay-jay..." Sabi sakin ni Ci-N at pilit inaabot yung tako.

Ipukpok ko kaya sa kanya to?

"Ayoko! Kayo nalang maglaro!" Sabi ko at naglakad palayo.

Kanina nya pa ko tinuturuan mag-billiard pero hindi naman ako nakikinig. Nagugutom na kasi talaga ako.

Lumapit ako kay Felix para kamustahin sya. Sabi kasi nila Eren, wag ko daw hahayaan na makatulog sya. Hindi naman nila sinabi kung bakit.

"Felix..." Tawag ko sa kanya.

Pinilit nyang idilat yung isang mata nya. Nagsara na kasi yung isa dahil sa pamamaga.

"Jay..." Tawag nya sakin. "...S-sorry ah?"

"Bakit ka nags-sorry? Ako nga dapat eh."

"A-ako dapat... I-inaya kasi kita. D-dapat nung u-una pa lang, n-naisip ko na yun."

"Wag mong isipin yun. Dumating naman sila Keifer para tulungan tayo."

Nagpilit sya ng ngiti at nilipat ng pwesto yung ice bag sa muka nya. Tinulungan ko syang ilipat yun at bahagyang diniinan.

Biglang bumukas yung pinto kaya napalingon ako. Si Keigan.

"Kuya... Breakfast is ready and I would like to invite your friends to eat with us." Formal na sabi ni Keigan.

Tumingin ako kay Keifer para alamin yung sasabihin nya pero nagulat ako ng mapansing dumudugo yung palad nya.

"Keifer yung palad mo!" Sabi ko sa kanya pero hindi nya ko pinansin.

Naglakad sya palabas ng pinto at nilagpasan lang si Keigan. Tinignan ko si Yuri na naiwang nakatayo sa pwesto nila.

"I'll take that as a yes. Please follow me..." Sabi ni Keigan at akmang aalis na.

"Keigan!" Tawag ko sa kanya at huminto sya. "...Si Felix kasi, hindi sya makakasama samin."

Tinignan naman nya si Felix at ngumiti. "I'll send the doctor and my butler here to help him."

Lumakad na sya ulit at sumunod naman sila Ci-N at Eren sa kanya. Hindi muna ko umalis para may kasama si Felix pero pati pala si Yuri nagpaiwan muna.

"Sumunod kana sa kanila." Utos ko kay Yuri.

"No. I'll stay here with you."

Hinayaan ko nalang sya dahil alam kong hindi sya papa-awat. Yuri pa, eh parang Keifer din yan.

"Anu nga palang nangyari kay Keifer?" Tanung ko sa kanya at lumapit sa bar kung saan sila nakapwesto kanina.

Basag na baso at dugo ang nakita ko. Hindi ako sigurado sa nangyari. Wala naman kasi akong narinig na nabasag.

"May nasabi kasi akong hindi maganda at pinang-gigilan nya yung baso." Sagot nya sakin at napakamot sa ulo.

Hala! Yung secret namin!

Baka sinabi na nya yung secret namin kaya nagkaganun sya. Baka hindi sya natuwa or ayaw nya.

"A-anung sinabi mo?"

"It's nothing. Don't worry about it." Mabilis nyang sagot sakin.

May pumasok na lalaking naka-white polo. Nagpakilala syang butler ni Keigan kaya naman iniwan na namin si Felix at sumunod na kila Ci-N.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon