Goodbye Mayu

875K 14.1K 3.7K
                                    

Ella's POV

It's a very heartbreaking scene, seeing your sister hugging her lifeless daughter.

Kahit ako, hindi makapaniwala na wala na si Mayu, i love her, God knows how much I love her. Tapos ngayon wala na sya.

Nakita kong lumabas si Jd, at kitang kita ko din ang sakit sa mga mata nya.

Si Mommy at Daddy kahit umiiyak din ay naisip ang mga bata, dun ko lang narealize na kailangan muna namin silang ilayo sa napakasakit na pangyayari na yun.

"C'mon Baby .." kinarga ko si Miyu kahit na ayaw nyang sumama sakin, nagwawala sya at gusto nyang lumapit sa Nanay nya.

Si Dad at si Mom ang kumuha kina Iko at Elo.

Pare parehas kaming mga umiiyak habang sakay pauwi sa bahay namin, ang kaibahan nga lang, ang bata ay umiiyak ng malakas tanda ng epekto ni Mayu sa kanila, habang kami nila Mommy at Daddy, ay lihim lang na umiiyak, hinahayaan lang namin na pumatak ang luha namin. Masakit. Wala na si Mayu. Wala na yung batang simbolo ng isang perpektong anghel.

Bago pa kami dumating ng bahay ay nakatulog na sila. Diniretso namin silang ilagay sa kwarto nila Mommy at Daddy, pagkatapos namin silang iayos ay nagpaalam na ako. Kailangan kong tingnan sila Asha..

I know, it'll be hard for them to accept that Mayu is gone. Pagdating ko sa Hospital ay nakita ko agad si Ivan, nakatayo sya sa lobby.

"Nasaan sila Asha ?"

"Nakabantay dun." turo nya sa way papuntang Morgue.

Otomatik na tumulo ang luha ko pagtingin dun sa way, is this really the end? Hindi pa din matanggap ng sistema kong wala na si Mayu.

"Andun din yung parents ni Dale, nagkagulo pa nga kamina eh .." pagbabalita ni Ivan.

"Bakit?" 

"Di nila matanggap." kibit balikat nya pero halata sa mata nya ang pamumula.

"Pupuntahan ko lang sila.." paalam ko.

"Sige lang, inaayos ko yung payments nila eh."

Pagkadating ko dun sa labas ng Morgue ay nakabibinging katahimikan ang sumalubong sakin. Si Asha at Dale ay nasa tapat ng pinto at nag aantay.

Ang parents ni Dale ang nilapitan ko.

"Tita .."

They gave me an accomodating look.

"It's hard to accept the fact, especially to them .." Dale's mom throw a sad look kina Asha at Dale. "And we should be their strength right now .. mahirap but we need to accept, unfortunately hindi pa nila kayang tanggapin." naiiyak na sabi ni Tita.

"We organize Mayu's burial, sa chappel na lang ng village namin, three days is enough, pinapaayos na din namin ang mga kakailanganin, kayo na muna ng parents mo ang bahala sa mga apo ko, magtulungan na lang tayo." tumatango na lang ako at umalis na.

Talagang bilang magulang ay mahirap tanggapin na nawala ang anak mo sa isang iglap lang, tahimik at walang buhay sila Asha at Dale. We cant talk to them, lahat ng dapat asikasuhin ay kami ang gumawa.

Pangatlong araw na ni Mayu ngayon, last night kumbaga, at hindi natinag sila Asha sa pagbabantay kay Mayu, kapwa sila nakaupo sa magkabilang dulo, nagbabantay, andun na bigla na lang tutulo ang luha nila, pansamantalang makakatulog, iinom lang ng tubig, tatayo pag nagc-cr lang.

Hindi nila iniwan si Mayu, hindi din namin sila makausap, I know that feeling. At hinahayaan muna namin sila.

Last night ng burol ni Mayu, nagpasya din ang buong pamilya na hayaan ng pumunta ang mga bata, sila Miyu, Iko at Elo. Kasama ng ilang mga pinsan nila.

Before they take a look at Mayu's coffin, binigyan sila ng briefing ng matatanda, and that was the painful night I ever had, ng makita nila Asha ang mga anak nila ay nagsimulang umagos ang mga luha nila, Iko and Elo cry out loud calling Mayu's name. Kaming mga nakakasaksi ay tila nawasak ang puso sa eksena.

Lalo na ng dumating ang oras na kailangan na naming ihatid si Mayu sa huling hantungan nya. As we follow the traditional ceremony, dinaan muna sya sa simbahan para sa  isang misa, and to say our goodbye.

Because Asha and Dale can't do that, nagpasya kaming isa sa Aragon at sa Feddiengfield ang magsasalita.

Karla represents Aragon.

"Life is a battlefield to won. But how can a  child fought for her life? A child who still don't know what is the essence of life? That life is a risky, and a struggle to face. But the painful part is, hindi pa nararanasan ni Mayu ang makibaka sa buhay, na nag uumpisa pa lang syang lumaban ay sumuko na agad sya, In behalf of Aragon Family, we want to say that Mayu is our little angel that has a big part of our heart."

"Napakalaking pamilya ng Aragon at lahat kami ay nagluluksa sa pagkawala ng isa naming anghel, and we know, she's always be with us, gagabay at magbabantay sa amin."

Aragon's family is stong yet soft, kumpleto sila kaya siguro sila matatag, makikita ang bawat isa na umiiyak but still they are standing. Hanga ako sa pamilya ni Dale, big and heavy.

"Baby Mayu, wherever you are, please take a rest, guide us, and bless us. We believe that you are now an angel, but no matter what you are now, your always be the sweetest angel that we have, maiiwan sa alala namin ang matamis mong ngiti at masaya mong halakhak, you're always be Mayu Ash Aragon. We love you Baby. We always do." 

Sinong hindi tutulo ang luha sa punong puno ng pagmamahal na paalam ni Karla at ng mga Aragon? Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal nila kay Mayu.

Tumayo ako para sa magsalita.

"Three days before Mayu gone, we experience a miracle by waking up Dale, masayang binalita ni Asha that after one month of comatose nagising na ang asawa nya, that is three days before Mayu and Miyu celebrate their second birthday."

"Two days before their  birthday umuwi si Jd sa bahay, nag aya syang mamasyal, and they had fun, exactly one day before, 12:16 AM, binawian ng buhay si Mayu, and she didn't celebrate her second birthday, but you know what, we believe that she enjoys her life,  with her family and with us. God has a plan for her. He let us feel happy to be with Mayu. Lahat tayo nagtatanong, bakit sya pa? Bakit kailangan nyang mamatay? Bakit ang aga? Bakit ang bilis nyang kunin? Ang dami nating pangarap kay Mayu. Actually, I don't know, i really don't know but I believe. May rason kung bakit nangyayari 'to. But afterall that idea, hindi pa din maaalis sa atin ang masaktan, my heart is aching to saw that tears falling from your eyes, ilang beses na akong nawalan, nag give up, but my family never gave me up, and now i'm encouraging you, stop that tears, and be strong, for them." I take a look on Asha abd Dale's side. They are silently crying.

"This is not the first time na mawalan ng bata sa Pamilya namin, this is the second time, and you know how it feels? Well it feels like scars na hiniwa ulit, masakit, napakasakit, we're aching now, but we need to be strong. Just let the pain go. Sooner it will heal, but the scars always be there. Just like Mayu. Mawala man sya, pero nandito pa din sya." i point my heart. Becauase I know. She'll be in our hearts.

"On behalf of the Feddiengfield, memories will not forgot, we love you. Goodbye Mayu."

Umiiyak na bumaba ako. Ang hirap pala magpakatatag. Napakadaling magsalita. Mahirap magpalakas ng loob ng mga tao pero mismong sarili mo ang pinanghihinaan din. The words I've said are throwing all back to me.

And when Mayu's coffin will be finally settled ..  nagmistulang background song ang iyak ng bawat tao. Tahimik pa din sila Asha at Dale. Karga ni Dad si Miyu. Hawak ko si Iko. Elo is holding on Jd's parents.

Akala namin mananatiling tahimik ang mag asawa. Pero ng unti unting binababa ang kabaong ni Mayu ay nagsimula ng pigilan ni Dale.

"Mayu No!" lumuhod sya para pigilan ang pagbaba ni Mayu. Agad na lumapit ang mga asawa ng pinsan nya para pigilan si Dale.

"Mayu don't leave! Daddy is here! Mayu!" sabi nya kasabay ng iyak ng mga tao sa paligid.

Si Asha ay napahgulgol na din ng iyak sa nakikitang ginagawa ng asawa nya.

Masakit sa part ko ang mga nangyayari, but what more kina Asha at Dale?

---

Ang dulo ay hindi hangganan, dahil ang hanggangan ay simula lamang patungo sa bagong daan.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon