Chapter 92

948K 37.8K 31.1K
                                    

Author's Note: Picture sa baba... Sorry kung natagalan.. 😉😉

Halo-halo-ween

Jay-jay's POV

Yung dalawang linggong pahinga. Isa sa lagi kong inaabangan kapag October. Bukod kasi sa pahinga sa pag-aaral, nagkalat din yung mga batang naka-costume.

At syempre mga Candy at Chocolate...

Pati pala mga isip batang naka-costume nakakalat din. Parang yung kasama ko ngayon.

"Suot mo to Jay!" Sigaw sakin ni Ci-N at pilit pinapasuot yung witch hat.

"Ayoko!"

"Hindi tayo papasukin dun kung hindi mo to susuotin!" Sabi nya at sinubukan na namang isuot sakin.

Sa inis ko, kinuha ko nalang yung sumbrero.

"Susuotin ko pagdating don!" Sabi ko kaya naman tumigil na sya sa pangungulit.

Naglakad na kami papunta sa event na sinasabi nya. Bigla nalang kasing tumawag sakin tong si Ci-N. Meron daw syang pupuntahan at kailangan nya ng kasama.

Dahil wala naman akong ginagawa sa bahay, pumayag ako. Pero ang walang hiya, pupunta lang pala sa isang halloween party.

Naka-costume syang zoro at parang 7 years old na excited sa pupuntahan. Huminto sya sa tapat ng entrance ng isang event. Mukang dito na yung sinasabi nya.

"Suot mo na Jay!" Suot nya at ginawa ko naman.

Pinalista ni Ci-N yung pangalan namin at binigyan kami ng sticker tag. Nakasulat yung pangalan namin at pinapadikit samin sa kaliwang dibdib.

Pagpasok sa loob nabawasan naman yung hiya ko ng mapansin kong may mga adult din na kagaya ko. Mukang binatak lang din ng mga alaga nila.

"Jay-jay! Dito ka!" Tawag sakin ni Ci at tinuro yung lamesa at upuan na bakante pa.

Medyo maraming tao at bata. Lahat sila naka-costume.

Ang cute nila...

Habang pinagmamasdan sila meron akong napansin. Si Ci-N pala ang pinaka-malaki sa kanila! Yung hiya ko kanina na nabawasan, nadagdagan na naman.

"Ci-N!" Tawag ko sa kanya. Agad syang umupo sa tabi ko. "...Anu ba to? Halloween party?"

"Oo... Kailangan daw kasi ng gaurdian! Ikaw nalang sinama ko!" Sabi nya habang nakangiti sakin.

Gaurdian?

"Gaurdian? Yung bata kailangan talaga nun! Pero ikaw hindi na!" Sermon ko sa kanya. "...Tsaka ang tanda mo na para sa gantong party! Dapat sayo yung sa mga teenager!"

"Ayoko don! Walang candy at chocolate dun! Tsaka pagbigyan mo na ko... Eto na huling chance ko na makapunta dito! Wala kasing pwedeng sumama sakin dati kaya hindi ako makapunta!" Sabi nya at parang batang nag-puppy eyes at nagpout.

Napakamakot ako ng batok. "Sige na! Sige na! Mag-enjoy kana sa party mo! Dito lang ako!"

Pumalakpak naman sya at bigla nalang tumakbo palayo. Nakisali pa sya sa mga naglalaro.

Tinignan ko nalang yung ibang bata ng may makita akong pamilyar na tao.

Si Keiren ba yun?

Tinitigan ko pa pero hindi ko parin makita ng maayos. Lakad kasi ng lakad at ang laki ng sumbrerong suot nya.

Biglang may nagsalita sa mic at nag-speech ng kung anu-anu na hindi ko naman maintindihan. Nililigid ko lang yung mata ko ng may nagbaba ng pumpkin basket sa harap ko.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon