Chapter 24: The Demon Slayer

315K 13.2K 3.9K
                                    

Nagsisigawan pa rin ang mga tao dito sa loob. Tumingin ako sa upper part ng coliseum kung saan may parang veranda at doon nakaupo ang Alpha kasama ang headmaster.

Nakatingin ako sa gitna kung saan magaganap ang labanan. Mabigat pa rin ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit.

"Let the battle begin!"

Nagsimula nang gumalaw ang raffle screen kung saan nakadisplay ang mga profile namin at kasama na ako doon.

Unang tumigil ang monitor sa senior student at ang isa nama'y sophomore. Maganda ang naging laban nila.

The senior guy can be invisible and is extremely fast which is a perfect combination. Ang isa naman ay laser beam at ice. But to think that seniors have more experience than a sophompre, nanalo nga siya.

Five more matches were called at patagal ng patagal ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. I started to feel uneasy. But why?

"Ayos ka lang?" Paxton asked in a monotone. Magkatabi kami ngayong tatlo sa bench.

"Tsk. If I know she's just scared. She wants to go home and hide under her mother's skirt," singit ni Alzena.

Tumingin ako sa direksyon nila. Makahulugan akong tiningnan ni Paxton as if he knows what I'm thinking.

"Don't worry, nothing bad will happen. Kapag may nangyari man, po-protektahan kita," bulong niya sa 'kin.

I sighed at muling ibinaling ang tingin sa naglalaban. Looks like it was finished dahil tumilapon ang babaeng sand manipulator sa labas ng platform.

Muling gumalaw ang raffle screen. This time, dalawang freshmen ang maglalaban.

Si Alzena and the other guy named Jonathan Russel. Sabay silang pumunta sa gitna and gave respect to each other.

"Well, this is exciting! Freshmen vs. Freshmen! And Jonathan Russel, right? The top 3 in the last qualifying examination?" tanong nung emcee.

So he's the top 3? Hindi halata sa mukha niya dahil mukha rin syang nerd. Malaking salamin at yung buhok ay mala-Rizal.

"Begin!"

The battle started as Alzena summoned her weapon accessory. It's a flare lancer used in executing flares. A device operated by a trigger similar to a gun.

Nilagyan niya ito ng bala at ngumiti pa before she shoots upward. It created a loud high-pitched sound na parang sasabog ang tenga naming lahat. Ang sakit sa tenga.

It's a sound flare!

Napapikit ang karamihang nanonood while covering their ears kabilang na doon ang kalaban niya. Tumabi ako kay Paxton and created a soundproof barrier para sa aming dalawa. Modified ang barrier na 'to for resisting any attacks that is related to sound or music. Mukhang sensitive siya sa sound.

Alzena then charged to attack her opponent who is still covering his ears.

"I'm so disappointed. I'm expecting more since you're the top 3 pero wala ka rin palang pagkakatulad sa kakilala ko." She looked at me before doing her final blow.

"Switch on," she casted.

Kung kanina ay high-pitched sound ang naririnig namin, ngayon ay loud and fast beat naman na ilang beses na niyang ginawa sa 'kin.

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon