44: Moved On

19.6K 721 54
                                    

Three months na kaming nakatira sa Gerhardt manor. Three months na since iniwan namin ang Hellville.

Three months na since iniwan ko si Titus.

Dumating ang birthday ni Max. Bonggang-bongga ang decorations sa courtyard. Mukhang royal party ang magaganap. Ang alam ko ay nag-hire pa ng isang sikat na party organizer si Orpheus. Inimbita rin daw nito ang buong Senate na composed ng mga fiftyaa an Purebloods. At hindi lang 'yun, pati leaders ng ibang bayan ay inimbitahan rin.

Ibig sabihin...

Ipinilig ko ang ulo ko. Sigurado akong imbitado rin s'ya hindi ko lang alam kung dadalo s'ya.

God! Titus kailan ba kita makakalimutan? Kahit tatlong buwan na tayong hindi nagkikita ay hindi ka pa rin umaalis sa sistema ko.

Kung dadalo s'ya, paano ko s'ya haharapin?

Galit pa kaya s'ya sa akin?

Pero mukhang mas masasaktan ako kung naka-move on na s'ya. Kasi ako...hindi pa. Malabo yatang mangyari na makaka-move on pa ako.

May narinig akong magkakasunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Umaga pa lang ngayon kaya may ilang oras pa bago ang party mamayang gabi. At sabi ni Yaddie mga bandang alas-dos pa kami aayusan ng mga stylists at makeup artists.

Kaya sino itong isturbo na kung makakatok ay parang may sunog?

"Sandali!" sigaw ko habang tumatayo mula sa kama ko.

Grabe naman. Hindi pa rin tumitigil sa pagkatok.

"Nandiyan na nga!" inis kong sigaw sabay marahas na pagbukas ng pinto.

Bubulyawan ko na sana kung sino man 'tong makulit nang bigla akong nanigas. Natigilan ako nang mapagsino ang mga nasa harapan ko. Muntik pa nga akong himatayin sa sobrang pagkasorpre...

"Surprise!" sabay-sabay nilang sigaw saka ako sinugod ng mahigpit na yakap.

Natawa na lang ako saka naki-group hug na rin sa kanila.

Hindi ako makapaniwalang nandito sina Faizah, Nadine, Matteo at Lorenzo.

Ang ingay namin dahil tuloy kami sa tilian at tawanan.

"Nasorpresa ka ba, Savannah?" ang laki ng ngisi ni Matteo na at home nang nakahiga sa kama ko.

Grabe s'ya oh. Mukhang pawis na pawis pa naman tapos nahiga talaga sa kama ko.

Pero ngumiti na lang ako. Palalampasin ko na lang dahil masaya ako na nandito sila.

"Dadalo kayo sa party?" nakangiti kong tanong to no one in particular. Nakakapit sa magkabila kong braso ang dalawang babae habang nakaupo na sa couch si Lorenzo na mukhang pagod na pagod.

"Oo. Kaya nga kami nandito eh. Isinama na namin sina Lorenzo kasi alam naman namin na miss na nila kayo," sagot ni Nadine. Ang isang 'to, kung makakapit parang hindi matangkad. Kailangan n'ya tuloy yumuko para maging komportable sa pagkakakapit sa kanang braso ko.

"Well, I'm so happy that you're here," sabi ko pero agad namang kumunot ang noo ko nang may ma-realize. "Si Raye?"

Umikot ang mga mata ni Faizah. "Nasaan pa nga ba? Eh di doon dumeretso kay Max."

Natawa ako. Talaga? Close ba ang dalawang 'yun? Kung oo, aba mabuti naman no.

At meron pa akong gustong itanong sa kanila. Nakakahiya pero hindi yata ako makakahinga ng maayos kung hindi ko ito mailabas.

"Si... Si T-Titus nga pala..."

Nakita kong nagkatinginan silang apat.

"Is something wrong?"

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon