WMCM 25

7K 212 19
                                    

" Ayaw mong maniwala? Pwes papatunayan ko sa Simbahan. Pakasalan mo 'ko "

Mata sa matang saad ni Vice habang hawak pa din ang dalawang kamay ni Karylle na agad ding binawi ng dalaga.

" Vice, marriage is not a good joke, can you stop? "

Kunot-noong sambit naman ni Karylle.

" Karylle naman! Hindi porke komedyante ako lahat ng sinasabi ko eh puro biro. Karylle pagdating sayo seryoso ako. I want to marry you "

Pangungumbinsi naman ni Vice ngunit mukhang hindi kumbinsido si Karylle.

" You're asking me to Marry you? Hindi kita sasagutin hanggat hindi mo sinasagot ang tanong ko if who was that guy with you sa Starbucks "

Matigas na sabi ni Karylle at pumunta na sa kwarto niya.

" Okay fine! Maniwala man sa hindi, he's Patrick, an Event organizer.... Kasi pinapagplanuhan ko na yung proposal ko sayo. Kaso wala, paranoid ka, o edi kinalabasan, proposal sa gitna ng away "

Dismayadong pagpapaliwanag naman ni Vice na nasa likuran ni Karylle. Napa-hinto naman ang Dalaga sa ginagawa, ngunit hindi pa din niya hinarap si Vice.

" K, I love you. Hindi ka pa din ba naniniwala? All this time? Pinagdududahan mo pagmamahal ko sayo? "

Malungkot na tanong ni Vice kaya sa wakas ay hinarap na siya ni Karylle.

" Because hindi mo nilinaw kung mag-ano tayo "

Sagot naman ni Karylle.

" K, label doesnt matter, as long as we love each other yun na 'yon. So--sorry if di manlang kita natanong if you can be my Girlfriend... Kasi.... Kasi sa totoo lang i dont know how to ask you, nahihiya ako na 'di ko malaman. Kaya hindi na din natin napag-usapan. Pero Karylle, I love you, sana naman paniwalaan mo 'yun. Diba sinabi ko naman sayo? Na simula nung sinabi mong Mahal mo 'ko at tuturuan ko ang sarili ko na mahalin kita, Akin ka na at Sayo na 'ko "

Mata sa matang paliwanag ni Vice. Napa-yuko naman si Karylle, hindi na niya alam kung anong mararamdaman.

Lumapit naman sa kanya si Vice at tinaas ang kanyang mukha by her chin.

" Uy wag ka namang umiyak. Karylle naman eh"

Naka-pout naman na saway ni Vice ng makitang may tumulong luha sa mata ni Karylle na siyang pinunasan niya.

" Ikaw kasi! Kung dati ikaw ang confused, ngayon ako na nako-confused sayo eh "

Naiyak na sambit naman ni Karylle.

" You dont have to be confused, 'cause im serious "

Pang-aassure naman ni Vice at binalik ang pagkakahawak sa mga kamay ni Karylle.

" Nasa bahay pa 'yung singsing...Pero ngayon tatanungin na kita "

Nakaramdam naman ng kaba si Karylle ng lumuhod si Vice, seryoso nga ito. Huminga naman muna ng malalim ang Binata bago tiningala si Karylle.

" Ana Karylle? Will you Marry Me? "

Lalo namang naiyak si Karylle, she covered her face full of tears using her hands.

" Uy mamaya ka na umiyak, sagot na muna, sakit kaya sa tuhod "

Pagbibiro naman ni Vice, nakita naman niyang umiling si Karylle, at doon ay kinabahan naman siya.

" Uy, K, ano? Will you Marry Me? "

Pag-uulit niya, tinanggal na naman ni Karylle ang kamay niya sa kanyang mukha at tinitigan si Vice.

Want Me? Convert Me || VicerylleWhere stories live. Discover now