One last cry

935K 15.1K 2.6K
                                    

Asha's POV

It was a tough fight, and in the end, we're the one who lose. We lose Mayu.

Ganito pala kasakit ang mawalan ng anak, para akong ninakawan, at kulang na lang ay magmakaawa ako sa Panginoon na ibalik nya si Mayu.

The whole time when she's on burial; sabi ko sa sarili ko; kakayanin ko. At still, kakayanin ko.

Nakaplano na ang gagawin ko pagkatapos ng libing ni Mayu. Nandito kami sa sasakyan at pauwi na sa bahay. Hinayaan ko munang nasa parents namin sila Miyu. Kailangan muna namin ni Jd magpalakas, magkahalong puyat, pagod at sakit ang nararamdaman namin.

Tiningnan ko si Jd, tahimik na nakatingin lang sya sa labas ng bintana. Alam kong mas nasasaktan sya.  Kinuha ko yung kamay nya at pinisil, without saying a words, pinaramdam ko sa kanyang hindi sya nag iisa, nandito ako, kailangan naming lumaban. Hindi nya ako nilingon pero naramdam ko din ang pagpisil nya sa kamay ko.

Nagpasalamat ako kay Ivan sa paghahatid nya samin.

"Ma'am, sigurado po kayong Ok na kayo?" tumango ako at ngumiti.

"Maraming salamat Ivan, kaya namin 'to ni Jd." naunang pumasok sa loob si Jd.

"Sige Ma'am katukin nyo na lang anytime na kailangan nyo ako."

Tumango lang ako at pumasok na sa loob. Sinalubong ako ng mga kasambahay namin. Wala namang nagbago sa loob ng bahay namin, pero pakiramdam ko, ang laki ng pinagbago, parang nawalan ng kulay.

"Ma'am gusto nyo pong kumain?" tanong ng isa naming kasambahay.

Marahan lang akong umiling.

"Si Jd?" tanong ko.

"Nasa mini bar po .." naglakad ako papunta sa mini bar ng bahay namin.

Kilala ko si Jd, hindi sya umiinom, pero sa nakikita ko sa kanya ngayon ay parang gusto nyang lunurin ang sarili nya sa alak.

Inisip ko na lang na umiinom sya para pampatulog nya.

Hindi ko na sya kinaisap, hinayaan ko na lang na sya, umakyat ako para maglinis ng katawan at magpalit ng damit, malinis ang kwarto namin, ang kwarto na naging saksi sa kumpleto naming pamilya. Pamilya na pansamantalang napilayan na.

But of course, sooner ay makakatayo din kami; kailangan lang namin magpagaling ni Jd. Pagkatapos kong magshower ay lumabas ulit ako para tingnan si Jd, pababa na sana ako para pumunta ng mini bar pero nakita ko ang kwarto nila Mayu at Miyu, nakabukas ang pinto at pati ang ilaw nito.

Ayaw ko muna sanang pumasok sa kwarto na iyon, dahil nanghihina lang ako, malapit na ako sa pinto ng makarinig ako ng iyak at hikbi, si Jd ang nasa loob, napatakip ako ng bibig ko ng marinig ko syang umiiyak, He really can't move on. Nanatili lang ako sa labas ng pinto at umiyak din ng tahimik. Sinisisi pa din nya ang sarili nya sa pagkawala ni Mayu.

Lagi nyang sinisisi yung sarili nya, kulang na lang na isigaw ko sa mukha nyang hindi nya kasalanan, walang may kasalanan, ito talaga yung nakatakda. Pero si Jd, di nya pa din matanggap ang nangyari kay Mayu.

Narinig kong tinatawag nya yung pangalan ni Mayu, masakit marinig na pilit nyang binabalik ang wala na, pero naiintindihan ko sya, kahit ako, gusto kong isipin na nananaginip lang ako, na magigising din ako, na yayakapin ako ni Jd at patatatahanin at sasabihin nyang panaginip lang yon, at mahal na mahal nya ako.

Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang iyak ni Jd kasabay ng pagtawag nya kay Mayu. Doon na ako naglakad papasok sa loob, nakaupo sya pasandal sa wall.

"Jd.." tawag ko sa kanya at pilit niyakap.

"It's all my fault. Kasalanan ko kung bakit nangyari 'to. I'm not a good father." umiiyak na sabi nya.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon