Chapter 93

975K 35.5K 25.6K
                                    

Halloween... Jealous?

Jay-jay's POV

Sa tagal ng nilakad sa bench din pala ang bagsak. Bwisit kasi tong Keifer na to! Kung saan saan kami dinala tapos biglang haharap samin at magtatanong ng 'Saan nga ulit tayo pupunta?'

"Gusto mo Jay?" Alok sakin si Ci-N.

Umiling ako. Ayoko ng Candy, kanina gusto ko pero hindi na ngayon. Eto kasing Hari ng mga ulupong. Bigla nalang nagkaroon ng impact sakin yung sinabi nyang-----aaarrrgggghhhh!!!

Wag mo ng isipin! Baka matuliro ka naman!

"Tss." Biglang sabi ni Keifer.

Napapanu to? Wala naman akong sinasabi sa kanya. Nababaliw na ata talaga sya.

Napatingin ako kay Keiren na nakikipag-mayabangan kay Ci-N ng nakuha nilang Candy at Chocolate.

"Bakit ikaw yung kasama ni Keiren?" Tanung ko.

Umayos sya ng upo sa bench at bahagyang tumingala.

"Ayaw ni Keigan... Sabi ko mag-stay nalang sya sa bahay at bibilan ko nalang sya ng Candy at Chocolate pero syempre... Hindi sya pumayag. So, here i am." Bored nyang paliwanag.

Aminin! Hindi natiis si bunso kaya sinamahan nalang. Tsk!---Naalala ko na naman yung Kuya ko. Ganyan din kaya sya sakin pagnagkataon.

"Ikaw? Why are you here with Ci-N?" Tanung nya sakin.

Pinaliwanag ko sa kanya yung pagtawag sakin ng mokong. Wala naman syang reaksyon habang nakikinig sakin.

"...So, here I am." Pang-gagaya ko sa sinabi nya.

Hindi na sya sumagot. Nakatahimik lang sya kaya naman tumahimik nalang din ako.

Dumidilim na ang langit, pagabi na kasi. Dapat makauwi na kami nitong mga to. Lalu na si Keiren, hindi sya pwedeng gabihin sa daan.

Sa hindi kalayuan nakakarinig kami ng malakas na music. Para bang may party.

Bigla nalang tumayo si Keifer.

"Let's go there." Sabi nya.

Hindi ako tumayo. Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi nya. Inaaya nya ko sa kung saan.

Hinawakan nya ang kamay at nagsimula na naman syang hatakin ako.

"Aray! Teka!" Reklamo ko pero hindi nya ko pinansin.

Nakasunod lang samin si Ci-N at Keiren. Halos madapa ako dahil sa kanya. Ang bilis nya kasing maglakad.

Huminto kami sa tapat ng isang entrance ng isang event. Puro disenyo ng mga pang-halloween. Mukang dito galing yung malakas na music na naririnig namin.

"Aano tayo dito?" Tanong ko kay Keifer.

Hindi nya ko sinagot. Hinatak na naman nya ko palapit dun sa table sa tabi ng entrance.

Hindi ko na naintindihan yung mga tinanung ni Keifer dun sa tao sa may table. Nilingon ko sila Ci-N at Keiren na takang taka sa nangyayari.

Humarap si Keifer samin. "Let's go inside."

Ayoko talaga. Hindi ko kasi maintindihan tong Hari ng ulupong. Siguro may kung sinong ispirito na naman ang sumapi sa kanya.

Sinenyasan ko sila Ci-N na lumapit samin. Sumunod naman yung dalawa. Pagpasok sa loob parang halloween party lang din na pinang-galingan namin. Except sa pang matanda ata tong napuntahan namin.

"Umaano ba tayo dito?" Tanung ko kay Keifer.

"Nab-bored na kasi ako."

Aning talaga tong lalaki na to! Masarap ding kutusan parang yung kapatid nya.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon