Chapter 94

976K 43.8K 49.8K
                                    

Halloween... Date?

Jay-jay's POV

Kanina pa ko sumasayaw at kanina ko pa rin napapansin. Nakakahalata na ko!

Alam kong sumasayaw yung kung sinong nasa likod ko. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit nakahawak pa rin sya sa bewang ko. Sinubukan kong humiwalay pero nagulat ako ng hapitin nya ko palapit sa kanya at bumulong.

"Sobrang likot mo sumayaw." Bulong nya na nagbigay ng kakaibang kilabot sakin. "...Binunggo mo yung kasayaw ko." Dagdag pa nya.

Papalag na sana ako para maka-alis sa pagkakahapit nya pero bigla nya kong iniikot paharap sa kanya. Dun ko lang nakita ng maayos kung sino sya.

Tama ang kutob ko. Si KEIFER MALANDI lang pala. Nakayakap na sya ngayon sa bewang ko. Hindi ako makagalaw at mukang naistatwa na naman ako.

"A-asan yung kasayaw mo?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Binunggo mo, kaya umalis nalang." Sagot nya sakin.

Niligid ko yung mata ko para hanapin yung babae. Nakita ko syang nakaupo sa isang sofa at masama ang tingin sakin.

La! Hindi ko naman sadya yun!

Mukang sya yung nabunggo ko kanina ng hindi ko namamalayan. Sinubukan ko ulit na humiwalay kay Keifer at nagawa ko naman.

"Tawagin mo na yung kasayaw mo." utos ko sa kanya.

Dun ka nalang sa kasayaw mo.

"Ayaw mo ba kong kasayaw?" Mapang-asar na tanung nya sakin.

Inirapan ko naman sya. Filingero tong Hari ng mga Ulupong na to. Kala mo naman.

"Hindi na! Kahiya sa kasayaw mo!" Inis na sagot ko.

Bahagyang tumawa ang luko at lumapit sakin. Hinawakan nya yung kamay ko sinayaw-sayaw akong parang bata.

Muka kaming timang sa ginagawa nya pero okay lang. Dance floor naman to, kanya-kanya kami ng steps sa pag-sayaw.

Yung totoo, natatawa na ko sa ginagawa nya sakin. Para kasing hindi ako marunong sumayaw at kanailangan ko pa ng tulong nya.

"Tama na nga... Muka na tayong timang." Sabi ko pero hindi tumigil ang Keifer.

"I don't want to... I'm still dancing with you."

"Tsk! Keifer..."

"Kung titigil ko ba to... You'll dance with me?" Nakakalukong tanung nya.

Wala naman sigurong masama at isa pa andito na kami. Pagbigyan na ang kumag bago topakin.

"Oo na!" Sagot ko sa kanya at binitawan nya ko.

Bumalik kami sa pagsasayaw at todo bigay na naman ako. Bahala na kung sinong mabunggo ko naman. Sinasabayan ko pa ng kanta habang sumasayaw. Feeling na ikaw lang yun tao sa dance floor.

Naramdaman ko naman yung kamay sa bewang ko. Tinignan ko yun at nakita ko si Keifer. Hinayaan ko nalang sya at baka nalilikutan sya sakin kaya nya ginawa yun.

Sayaw pa rin kami ng bigla nalang akong iikot ni Keifer paharap sa kanya habang nakahawak pa rin sa bewan ko kagaya kanina.

"Ganyan kaba talaga kalikot sumayaw?" Natatawa nyang tanung.

"Dipende sa music."

"Tss." Sabi nya habang nakangiti.

Hala!

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon