~34~ What Makes You Busy

165K 4.5K 782
                                    

~34~ WHAT MAKES HIM BUSY

 

CHLOE’S POV

 

Kahit anong pilit ko sa sarili ko na hindi problemahin ang mga kutob ko, pilit pa ring sumiksik sa akin ang mga posibilidad na maaaring tama ang hinala ko. Pero, posible nga ba talaga na magkakilala sina Jenine at Dustin? Kung sabagay, hindi yun imposible lalong-lalo na may mutual friends sila na si Wayne.

Teka, bakit ko nga ba pinaghihinalaan si Jenine? Kung tutuusin, si Dustin dapat ang iniisip ko ngayon. Siya lang dapat ang isipin ko… Alam ko at nararamdaman kong may maling nangyayari. Dati naman, lagi akong pinagtutuunan ng atensyon at oras ni Dustin. Ano bang pinagkakaabalahan niya ngayon? Ang daming tanong na sumisiksik sa utak ko ngayon. Ni hindi man lang ako nakatulog ng maayos kagabi dahil dun. Ni hindi  man lang siya nagtext o tumawag sa akin kagabi para itanong kung sa akin nga ba nanggaling ang mga regalo na nandun sa pad niya eh.

Phone rings…

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang magring ang phone ko. Nandito ako ngayon sa terraist ng kwarto ko, kumakain ng miryenda. Buong araw lang ako nandito. Walang magawa eh. And speaking off, ayan na, sa wakas, nagparamdam din.

“Hello?” Walang ganang bati ko.

[“Good afternoon, mhine.”]

“Oh?”

[“Sungit mo.”]

“Wala ako sa mood.” Rolled eyes.

[“Salamat pala… Nagustuhan ko yung mga regalo mo. Hindi ka na dapat nag-abala pa.”]

Bumuntong-hininga ako. Bakit parang ayoko siyang makausap ngayon? Umiinit lang ang ulo ko. Ugh, baka PMS lang. Sheez. Kalma…

“Dustin…”

Narinig ko pa ang mga ingay sa kabilang linya. Mukhang nasa labas siya ngayon. Naririnig kong may mga sasakyan eh.

[“Hmm?”]

“Gusto kitang makausap. Pwede ka ba mamaya? Punta ka dito sa bahay.”

[“Uhh… Mhine, pwedeng bukas nalang? May aasikasuhin pa ako mamaya eh. I promise I’ll make it up to you tomorrow. Hindi lang talaga ako pwede ngayon.”]

Tumayo ako at sumandal sa railings. Pinagmasdan ko lang ang kalsada sa harapan ko. Ang tahimik. Sa pangalawang pagkakataon, nadismaya na naman ako sa kanya. Ano bang pinagkakaabalahan niya ngayon?

[“Mhine… Sorry na. Bawi ako bukas.”]

“Lagi namang ganyan eh.”

Katahimikan. Wala ni isang nagsalita sa aming dalawa sa loob ng ilang segundo. Ayokong mag-isip ng kung anong masama sa kanya, pero bakit siya itong nagbibigay sa akin ng dahilan para gawin yun?

[“I’m sorry…”]

Ngumiti ako ng mapait. Sorry, puro ka nalang sorry. “Oo na. Bukas nalang. Pumunta ka dito sa bahay.”

[“Huwag na masungit, mhine. I love you…”]

Malalim na buntong-hininga. “Okay,” and I hung up.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig lang sa phone ko. Hindi ako mapakali. Marami talagang sumsanggi sa isip ko. Sana naman napaparanoid lang ako.

“CHLOE!”

Tumingin ako sa baba. Dun sa may kalsada sa harapan ng bahay namin. Nakita ko si Warren na nakaupo sa bike. Nakangiti lang siya sa akin kaya nginitian ko rin siya ng pilit.

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon