Chapter 17

1.1M 47.6K 32.3K
                                    

Chapter 17: Baby

Zein's Point of View

Napamulagat ako nang marinig na tumunog ang aking cellphone. Sinulyapan ko si ate na mahimbing na natutulog bago ko kinuha ang aking cellphone na nakapatong sa side table.

Pumupungay na nakita ko ang pangalan ni Ace sa screen at parang nawala ang antok. Nanginig ang kamay ko bago ito sinagot.

Lumayo ako ng konti kay ate dahil baka magising ko sya.

"Hello?" I answered.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga sa kabilang linya. Sinulyalan ko ang wall clock. Alas singko na pala ng madaling araw.

"Darling..." Bulong nito.

Kumunot ang noo ko. "Hey, bakit napatawag ka?" ... Bakit ngayon ka lang tumawag?

"I think I'm crazy, Zein. Damn! Can't wait for another couple of hours to see you, again."

Mas nangunot ang noo ko. Ngayon nya kasi ako susunduin and and I am expecting him to be here around 10am or 12 pm. Pero ano bang ibig nyang sabihin?

"Okay ka lang ba?"

"Sshh... I'm outside."

Nataranta ako dahil sa sinabi nya. Hinawi ko ang kurtina at sinilip ang labas. Nakita ko syang nakasandal sa kanyang kotse habang nakatingin sa akin. Mejo madilim pa pero kitang-kita ko ang pagkislap ng kanyang mata at pagsilip ng ngiti sa kanyang labi.

"Anong ginagawa mo sa labas?" Nagmadali akong nagsuot ng sapin sa paa at marahang binuksan ang pinto para hindi magising si ate.

Maingat na lumabas ako kahit na natataranta ako.

"Waiting for you." Maikling sagot nito.

'Pagkalabas ko ay malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Hindi ko ibinaba ang tawag at tumayo ako ilang metro mula kay Ace na nakatingin sa akin. Pumupungay ang inaantok na mata nito.

"What the hell are you doing?! Aren't you going to hug me?"

Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Pinangungunahan ako ng nararamdaman ko. Gustong-gusto ko syang yakapin ngunit parang nanlalambot ang tuhod ko para maglakad pa ng ilang hakbang papalapit sa kanya.

"Ace... I can't move."

Narinig ko ang mahinang tawa nya. Itinagilid nya ang kanyang ulo na parang sinusuri ako. This is embarassing. Bakit hindi ako makagalaw? "Who says you have to move?" Humakbang ito ng ilang hakbang palapit sa akin bago tumigil.

Napangiti ako nang makita ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa akin. He looks so innocent. Parang hindi nya kayang makagawa ng kasalanan.

"You want kiss?" He asked.

"Hell, yes! Please."

OH.MY.GHAD! Wala akong planong magpabebe. I miss his kiss. I miss his hugs. I just missed him. Tinanong nya na ako kaya sinagot ko ng isang katotohanan.

I want to kiss him...

"Let's have a deal." Sabi nito.

Para kaming tanga na nag-uusap parin sa kabilang linya kahit na dinig na dinig na namin ang aming mga boses. Hindi pa rin ako makagalaw. Ganito ba ang epekto ng pagkamiss ko sa kanya?

God, I'm stuck... staring right at him... waiting for him to kiss me.

"Just kiss me!" I commanded.

Chasing Hell (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon