Chapter 6 - Eh? Seriously?

82.6K 1.1K 45
                                    

A/N: Hello sa'yo, salamat sa patuloy na pagbabasa at pagsubaybay ng storyang ito. :) I highly appreaciated it. ♥

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Miyu's POV

"Miyu?"

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata. Maliwanag na paligid ang unang bumungad sa akin.

"Bakit dito ka natulog sa sala?" narinig kong tanong ni Ami.

Kahit medyo mahapdi pa ang mga mata ay pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa. Madaling araw na rin kasi ako nakabalik sa bahay eh. Paano ba naman kasi, nakalimutan kong itanong kay Ami 'yung address dito. Ayun pala ang nakalimutan kong itanong sa kanya kahapon psh!

"Ami-chii, ohayo!" tumingin ako sa kinaroroonan niya at ngumiti.

Nakatayo siya sa harapan ko and as usual, nakasuot na siya ng school uniform niya.

"Eh? Papasok ka na ba?" tanong ko sa kanya.

Sumimangot naman siya at umupo sa tabi ko.

"Di mo naman sinasagot ang tanong ko eh! Saka bakit ganyan ang suot mo?"

Napatingin ako sa aking sarili at napangisi nalang nang maalala ang nangyari kagabi.

Imbes na sagutin ko ang tanong niya ay dinukot ko mula sa bulsa ng suot kong jacket-na-nakalimutan-kong-ibalik-kay-Karl at kinuha mula doon ang isang puting sobre. Mabilis ko itong iniabot kay Ami.

"Ano 'to?" takang tanong niya pero kinuha parin ang sobre.

Ngumisi lang ako sa kanya. At dahil wala na naman siyang nakuhang sagot mula sa akin ay binuksan niya ang sobre at tinignan ang laman nito.

"Kyaaah! Miyu-Chii! Saan galing to?" nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa akin.

Ito naman si bessy, umagang-umaga ang dami-daming tanong.

"Hihihi! Alam mo Ami-chan, may sinalihan kasi ako kagabi. Nanalo ako at 'yan ang premyo ko," sabay kindat ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin, "Ano naman 'yang sinalihan mo at ganito kalaki ang premyo mo?"

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Hihihi!"

"Miyu - chii!!" sigaw niya at kinurot ang hita ko.

"Ami-chan!" napadaing ako sa sakit, "Ang sakit!"

Ang sakit mangurot nito huhu!

"Ano? Magsasabi ka ba ng totoo o..." akma niya ulit akong kukurotin pero agad kong pinigilan ang kamay niya, "Ano'ng sinalihan mo at ganito kalaki ang premyo mo?"

"Oo na! Oo na! Magsasabi na po!"

Nanatiling nasa ere ang kamay niya na nakaporma pang mangungurot. Tinignan niya lang ako habang halos magkadikit na yata ang mga kilay niya haha!

"Racing tournament. Racing tournament yung sinalihan ko kagabi, Ami-chan!"

"Racing tournament?"

"Alam mo ba 'yun? 'Yung magkakarera kayo gamit ang motor."

"Gaga! Alam ko yun," kinurot niya ulit ang hita ko.

"Waahh! Ami-chan!" napahawak ako sa aking hita.

Nagsasabi na nga ako ng totoo pero kinurot parin ako huhu!

Miyu: The Queen of AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon